• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-12 17:56:25    
Ilang mass media sa ibayong dagat, sinusubaybayan ang ika-17 pambansang kongreso ng CPC

CRI
Ang ika-17 na pambansang kongreso ng partidong komunista ng Tsina o CPC ay nakakatawag ng unibersal na pansin ng mga mass media sa ibayong dagat. Nitong ilang araw nakalipas, magkakasunod na iniulat ng mga pangunahing mass media ng iba't ibang bansa ng daigdig ang hinggil sa ika-17 na pambansang kongreso ng CPC, bunga ng pag-unlad nito ng Tsina at direksyon ng pag-unlad nito sa hinaharap.

Ang Nouvelles D'Europe, pahayagan sa wikang Tsino ng Pransya, ay nagsagawa ng looking-forward report sa ika-17 pambansang kongreso ng CPC mula kamakalawa. Tinukoy ng unang labas nito pagkatapos ng pagpapakilala hinggil sa proseso ng demokrasiya na may katangiang Tsino at bunga ng konstruksyong pangkabuhayan ng Tsina, na dahil sa market economy na may katangiang Tsino, mabisang naiwasan ng Tsina ang pangagnamabala ng pangmudong krisis.

Inilathala kamakalawa ng Asahi Shimbun ng Hapon ang isang artikulo na nag-papaliwanag ng "the scientific concept of development" na iniharap ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Ipinalalagay ng artikulo na ang naturang konsepto ay nagpapakita ng ideya ng pamahalaang Tsino na pinamumunuan ng Partidong Komunista ng Tsina sa pagbibigay ng napakalaking pansin sa polusyon ng kapaligiran at pagpapaliit ng agwat ng kita.

inilathala kahapon ng Chosun Ilbo ng Timog Korea ang isang artikulong pinamagatang "nagiging bata ang mga lider ng Tsina". Tinukoy ng artikulo na sa ika-17 pambansang kongreso ng CPC, bubuuin ang mas malakas na namumunong pangkat, at kukumpirmahin ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina.

Bilang tugon sa ika-17 pambansang kongreso ng CPC, ipinalabas ng Deutsche Welle ang komentaryo na ipinalalagay na ang modelo ng pag-unlad ng Tsina ay tinawag ng mga iskolar na pangkabuhayan sa ibayong dagat na "komong palagay ng Beijing." dahil mabisa ito sa pagngangalaga sa katatagan ng lipunan at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan.

Salin:Sarah