• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-12 18:01:05    
Usapin ng pagpapalakas ng katawan ng sambayanang Tsino, masiglang umuunlad

CRI

Nitong limang taong nakalipas, milyon-milyong mamamayang Tsino ay nakikinabang sa mabilis na umuunlad na pambansang proyekto ng pagpapalakas ng katawan sa pamamagitan ng pang-araw-araw na ehersisyo. Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong kalagitnaan ng 1990s at nasa pagtataguyod ito ng Pamahalaang Tsino. Noong taong 2002 naman, nagpasiya ang Pamahalaang Tsino na gawing koordinado ang pagpapaunlad ng proyektong ito at pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at iba pang usaping panlipunan at sa 2020, maitatatag ang kompletong sistemang pampalakasan at sa ilalim nito, makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa sambayanang Tsino kaugnay ng pagpapalakas ng kanilang katawan.

Kaugnay nito, sinabi ni Feng Jianzhong, Pangalawang Puno ng General Administration of Sport ng Tsina, na:

"Noong taong 1995, isinapubliko ng Konseho ng Estado ang Plataporma hinggil sa Pag-eehersisyo ng Sambayanang Tsino. Nitong ilang taong nakalipas, masigla ang iba't ibang lokalidad sa pagpapatupad ng nasabing dokumento."

Nitong limang taong nakalipas, sa paggamit ng sports lottery welfare fund, sa pangangasiwa ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas, malawakang naitayo na ang mga pasilidad na pampalakasan at pang-ehersisyo sa mga komunidad, liwasan, parke at iba pang lugar sa kalunsuran at kanayunan. Sapul noong taong 2002, halos 2 bilyong Yuan RMB o 260 milyong dolyares ang nailaan sa pagpapatayo ng nasabing mga pasilidad.

Si Gng. Fu Xingxia ay isang 50 taong-gulang na residente sa isang komunidad sa dakong kanluran ng Beijing at nag-eehersisyo siya araw-araw sa pamamagitan ng mga pasilidad sa loob ng kanyang komunidad. Sinabi niya na:

"Salamat sa mga pasilidad, napapaginhawa ang pag-eehersiyo ng mga residente, lalung lalo na ang mga matanda at bata. Iba-iba rin ang mga pasilidad."

Ang higit na nakararaming populasyon ng Tsina ay ang mga magsasaka. Nitong limang taong nakalipas, sa pag-oorganisa ng mga kinauukulang organisasyon, makukulay rin ang mga aktibidad na pampalakasan at pang-ehersisyo sa kanayunan. Kaugnay nito, isinalaysay ni G. Feng ng nasabing administrasyon na:

"Halimbawa, noong taong 2006, ang Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guanxi sa dakong timog-kanluran ng bansa ay nagtaguyod ng paligsahan ng basketball at mahigit 11 libong nayon sa rehiyon ay nagpadala ng kani-kanilang grupo na lumahok dito. Sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia sa dakong hilagang-kanluran ng bansa, sa pagsisikap ng pamahalaang lokal, ang lahat ng mga nayon sa rehiyon ay may itinakdang lugar at mga pasilidad sa pag-eehersisyo."

Nitong limang taong nakalipas, sa proseso ng paghahanda para sa gaganaping Beijing 2008 Olympics, iniugnay rin ng iba't ibang panig ng palakasan ng bansa ang pambansang proyekto ng pagpapalakas ng katawan sa idaraos na Olimpiyada.

Salamat sa nasabing mga pagsisikap ng iba't ibang panig, ayon sa estadistika noong katapusan ng taong 2006, 41% ng buong populasyon ng Tsina ang madalas na lumalahok sa iba't ibang aktibidad ng palakasan at ang pag-eehersisyo ay nagsisilbi ngayong mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.