Dear Kuya Ramon,
Happy National Day sa inyo.
Nakakalungkot na recently ko lang natuklasan ang inyong programang Tagalog. Matagal na akong nakikinig sa CRI pero sa English Department. Ang transmission nila ay hindi talaga para sa mga Pilipino lang. Iyon ay para sa buong Asia-Pacific. Pilipinong-Pilipino ang dating ng sa inyo. "Piling-pili na pinung-pino pa" sabi nga ng isang nakikinig. Very intimate at accomodating kayo sa listeners. Sayang, ba't ngayon ko lang na-discover ito?
Binati ko kayo ng "Happy National Day" sa unahan ng sulat. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Marami nang National Days ang nagdaan mula nang makinig ako sa CRI (iyun nga lang English Service sa simula).
Itong particular National Day na ito ay maraming kahulugan sa China at Chinese people at sa world community. Pero para sa akin, ito ay Celebration of good harvest. Mataas na GDP at per capita income. Kahit bumubulusok ang ekonomiya ng mundo, patuloy pa rin sa pag-angat ang economy ng China. Ang mga bagay na ito ang dapat ipag-celebrate bukod sa pagkakatatag ng Republika. Nakikipagsaya ako sa inyo siyempre dahil bahagi na rin ako ng CRI lalo ngayong na-discover ko ang Tagalog Service ninyo.
Tinututukan ko na ngayon ang lahat ng inyong mga programa lalo na ang inyong Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika. Ano ang laban nila dito?
Mabuhay kayo!
Techie Villareal West Coast Way Singapore
|