Ang National Grand Theater o NGT ng Tsina ay isang malaking pasilidad na pangkulturang may katangian ng ika-21 siglo at ang pagkakatatag nito at ang first trial performance nito ay nakatawag ng malawak na pansin.
Ang ika-25 ng Setyembre ng taong ito ay napataon sa Mid-Autumn Festival, isang tradisyonal na pestibal ng Tsina at sa araw na ito, idinaos ang unang subok-palabas sa bagong tayong NGT. Ang mga tagapagtayo ng nabanggit na teatro at mga stadiums ng Beijing Olympic Games, residente sa dating kinaroroonan ng teatro at mga huwaran sa iba't ibang sector ng lipunan ay nanood ng palabas bilang unang grupo ng mga manonood. Masigla ang atmospera at masigabo ang palakpakan sa loob ng teatro. Ang manonood na si Liu Xu ay isang manggagawa ng konstruksyon ng NGT, sinabi niya na,
"Lumahok kami sa buong proseso ng konstrusyon ng NGT at masasabi kong ang pagkatayo ng teatro ay ibinunga ng sakripisyo at pagsisikap ng aming lahat at ikinagagalak ko ang pagparito ko sa pagnood sa palabas na ito bilang isa sa kauna-unahang pangkat ng mga manonood."
Si Ginang Liu Minjun ay isang residente na nakatira doon bago itayo ang nabanggit na teatro, nanood din siya sa palabas. Sinabi niya na,
"Nais kong pumarito para makita ang NGT dahil nakatira ako dito nang nakaraang mahigit 20 taon bago itayo ito at may malalim na damdamin ako dito."
Upang ipagdiwang ang saligang pagkakatatag ng NGT at pambansang araw ng Tsina, idinaraos mula ika-25 ng buwang ito doon ang 23 trial performance na kinabibilangan ng opera, ballet, drama, traditional opera at iba pa bilang pangugnumusta at pasasalamat sa naturang mga tagapagtayo ng NGT at personahe ng iba't ibang sirkulo.
|