Idinaraos dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC, naghaharing partido ng Tsina. Sa isang preskon na idinaos ng kongreso kahapon, isinalaysay nina ministrong Zhouji ng edukasyon ng Tsina at pangalawang ministrong Li Xueyong ng siyensiya at teknolohiya sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan ang kalagayan hinggil sa pag-unlad ng edukasyon at siyensiya at teknolohiya ng bansa. Ipinahayag nilang pasusulungin pa ng Tsina ang edukasyon at siyensiya at teknolohiya.
Ang pambansang kongreso ng CPC ay idinaraos bawat 5 taon. Sapul ng ika-16 na pambansang kongreso ng CPC na idinaos noong 2002, isinasagawa ng Tsina ang maraming hakbangin para sa pagpapasulong ng eduksyon na kinabibilangan ng pagpapalaganap ng 9-year compulsory education sa dakong kanluran ng bansa, pagpawi ng mga illiteracy; pag-alis ng bayad ng mga istudente sa kanayunan sa yugto ng compulsory education; puspusang pagpapasulong ng vocational education at pagpapataas ng kalidad ng professional education; pagpapahigpit ng pagkakapantay sa edukasyon at pagpapalawak ng pagbubukas nito sa labas. Sinabi ni Ginoong Zhou ji na nitong 5 taong nakalipas, nananatiling koordinado at malusog ang pag-unlad ng edukasyon ng Tsina. Pinapalawak din ang pagkakataon ng mga mamamayan sa pakapag-aaral at pinapataas pa ang pamantayan nito.
Si pangkalahatang kalihim Hu jintao ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina ay nagpahayag sa kanyang ulat sa seremonya ng pagbubukas ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC na pabubutihin pa ng Tsina ang pambansang sistemang pang-edukasyon at pasusulungin ang sistema ng lifelong education para sa pagsasanay ng mga mganggagawa na may mataas na kalidad at mga talentong may kakayahan sa inobasyon.
Kaugnay dito, ipinahayag ni Zhou na igigiit ng Tsina sa hinaharap ang social public weafare system sa larangan ng edukasyon. Sinabi niyang tinukoy sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC na dapat igiit ang social public weafare system sa edukasyon at palakihin ang laang-gugulin sa edukasyon; puspusang pataasin ang kalidad ng iba't ibang paraan ng pagtuturo sa iba't ibang antas at sa gayo'y matatanggap ng mga bata ang edukasyon sa mataas na antas para sa pagpapasulong ng pagkakapantay sa larangang pang-edukasyon.
Ipinahayag naman sa preskon ni Li xueyong, pangalawang ministro ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina na nitong 5 taong nakalipas, walang humpay na pinapalaki ng bansa ang laang-gugulin sa siyensiya at teknolohiya, malakihang lumalakas ang pambansang puwersa sa siyensiya at teknolohiya at lalo pang lumalakas ang kakayahan ng nagsasariling inobasyon nito.
Sinabi niyang pasisiglahin ng Tsina sa hinaharap ang bukas at may inisyatibang inobasyon sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Hanggang sa kasalukuyan, nakikipagpalitan na ang Tsina sa mahigit 150 bansa't rehiyon ng daigdig sa larangang ito at nilagdan din nila ng mahigit 100 bansa ang mga kasunduan hinggil sa kooperasyong pampamahalaan sa siyensiya at teknolohiya.
Sinabi niyang isinasagawa ng Tsina ang prinsipyong may mutuwal na kapakinabangan at pagkakapantay-pantay sa kooperasyong pandaigdig, iginagalang din nito ang mga regulasyong pandaigdig at napangangalagaan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip. Umaasa ang Tsina na ibabahagi ang bunga ng kooperasyong pandaigdig. Kinakatigan ng Tsina ang pakikipagtulungan nito sa mga maunlad at umuunlad na bansa sa siyensiya at teknolohiya, kundi rin sa mga pamahalaan at mga organisasyong pansibilyan.
|