Mga Sangkap
1 buong isdang tumtimbang ng 1 kilo 50 gramo ng paminta 50 gramo ng hiniwa nang pinong winter mushroom 100 gramo ng vegetable oil 30 gramo ng toyo 50 gramo ng suka 30 gramo ng cooking wine 15 gramo ng asin 25 gramo ng cornstarch na tinunaw sa tubig 40 gramo ng asukal 20 gramo ng coriander 25 gramo ng bawang 40 gramo ng scallions 25 gramo ng luya
Paraan ng pagluluto
Tanggalan ng hasang at palikpik ang isda tapos hugasan. Hiwaan nang pahilis sa magkabilang tagiliran bago ihulog sa kumukulong tubig kasama ng tinadtad na scallions at luya, cooking wine at asin. Ilaga ang isda hanggang sa mamuti. Hanguin sa tubig at ilipat sa plato.
Mag-init ng mantika sa kawli tapos ihulog sa tinadtad na scallions, luya, bawang at winter mushrooms. Lagyan ng paminta at igisa. Lagyan ng tubig at asukal, suka, cooking wine at toyo. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng cornstarch tapos lagyan ng ilang patak ng hot oil at haluin. Ibuhos ang mixture sa isda. Budburan ng coriander at isilbi.
|