Idinisenyo ang NGT ni Paul Andrew, isang arkitektong Pranses at ito ay nasa dakong kanluran ng Tian'anmen square sa sentro ng Beijing na sa tabi ng Great Hall of the People. Ang hugis ng sentrong gusali nito ay isang espesyal na ellipsoid at ang mga bagay sa paligid nito ay man-made lake at halamanan at makikita mong ito ay katulad ng isang maningning na pearl sa ibabaw ng lawa.
Ang NGT ay binuo ng tatlong malaking dulaan na may mahigit 5400 seats. Inilahad sa mass media ni Peng Chengjun, namamahalang tauhan ng konstruksyon ng NGT, na sa proseso ng konstruksyon nito, pinagtagumpayan ng mga tagapagtayo nito ang 7 mahirap na isyung teknikal at ginamit ang maraming napakasulong na teknolohiya sa daigdig para makatugon sa kahilingan ng palabas ng iba't ibang pormang pansining. Gayon na lamang ang pinakamabuting kaisahan ng sining at siyensiya nito.
Pagkatapos ng lahat ng trial performance sa NGT, idaraos sa katapusan ng taong ito ang isang serye ng palabas at sa panahong iyon ang mga artista na galing sa mahigit 10 bansa at rehiyong kinabibilangan ng Rusya, Estados Unidos, Pransya, Italya at iba pa ang paparito para itanghal.
Ipinahayag ni Deng Yijiang, pangalawang puno ng NGT, na ang direksyon ng pag-unlad nito sa hinaharap ay magsisikap para maging pinakamataas na palasyong pansining ng Tsina at pinakamalaking plataporma sa pagpapalitang artistiko sa loob at labas ng bansa. Sinabi niya na,
"Magkakaloob kami sa mahusay na kultura ng daigdig ng isang plataporma para sa pagkaunawa, pag-aaral at pagkakasalamuha sa isa't isa. Aanyayahan namin ang mga kilalang samahang artistiko at artista ng daigdig para ipakita ang kanilang sining at ipapakita ang pambansang sining sa daigdig sa pamamatigan ng stage ng NGT."
|