Ipinahayag kahapon ni Ginoong Ouyang song, pangalawang ministro ng departamento ng organisasyon ng komite sentral ng partido kumunista ng Tsina, CPC na palalawakin pa ang demokrasiya sa loob ng CPC, pabubutihin ang sistemang panghalalan at hahanapin ang iba't ibang paraan sa pagpapalawak ng demokrasiya sa nakabababang yunit. Binigyang diin din niyang ang maayos at aktibong pagpapasulong ng reporma sa sistemang pulitikal, pagpapaunlad ng sosyalistang demokratikong pulitika at pagtatatag ng sosyalistang sibilisasyong pampulitika ay nagsisilbing di-mapagbabagong mahalagang tungkulin sa reporma at pag-unlad ng Tsina.
Ang pambansang kongreso ng Partido Kumunista ng Tsina at ang Komite Sentral na naihalal sa kongreso ay ang kataas-taasang pumunuan ng CPC, naghaharing partido ng Tsina at ang pambansang kongreso nito ay idinaraos bawat 5 taon. Ang kasalukuyang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay idinaraos ngayon sa Beijing. Sa isang preskon ng kongreso na idinaos kahapon, isinalaysay ni Gioong Ouyang song ang kalagayan hinggil sa konstruksyon ng CPC at hanay ng mga karde nito.
Ipinahayag ni Ouyang song na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng CPC ang demokrasiya sa loob ng partido at maayos at aktibong pinapasulong ang konstruksyong demokratiko sa loob nito. Sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC noong 2002, walang humpay na lumalawak ang demokrasiya sa loob ng partido.
Si pangkalahatang kalihim Hu jintao ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina ay iniharap sa kanyang ulat sa ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ang isang serye ng hakbangin sa pagpapasulong ng demokrasiya sa loob ng partido sa susunod na 5 taon. Ang 2 mahalagang hakbangin sa mga ito ay: pabutihin ang sistema ng kongreso ng CPC at pairalin ang fixed tenure system ng mga kinatawan ng kongreso ng CPC; baguhin ang sistemang panghalalan ng partido at pabutihin ang sistema ng rekomenda ng mga kandidato at paraan ng pagpili para unti-unting palawakin ang saklaw ng direktang paghalal sa mga pamunuan sa nakabababang organisasyon ng partido. Ipinahayag ni Ouyang song na puspusang pasusulungin ng kanyang departamento ang nasabing 2 gawain.
Ipinahayag din ni Ouyang song na sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas ng pindo sa labas, maasyo at aktibong pinapasulong ng CPC ang reporma ng sistemang pampulitika, ang sosyalistang demokratikong pulitika ay nagpapakita ng mas malakas na bitality. Binigyang diin niyang ang pagsasagawa ng reporma sa sistemang pulitikal ay palaging nagsisilbing isang mahalagang tungkulin sa ginagawang reporma at kaunlaran ng Tsina.
Sinabi niyang ang ginagawang reporma ng Tsina ay sumasaklaw sa iba't ibang larangan na kinabibilangan ng reporma ng sistemang pangkabuhayan at pampulitika. Aniya, ang aktibong pagpapasulong ng reporma sa sistemang pampulitika, pagpapaunlad ng sosyalistang demokratikong pulitika at pagtatatag ng sosyalistang sibilisasyong pampulitika ay nagiging mahalagang tungkulin ng reporma at kaunralan ng Tsina. Tinukoy ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC na ang pagpapalalim ng reporma sa sistemang pulitikal ay dapat umalinsunod sa tumpak na direksyon sa pulitika at patuloy na pasusulungin naming ang reporma sa sistemang pulitikal nang alinsunod sa kasalukuyang plano ng komite sentral ng CPC.
Tinukoy ni Ouyang song na ang walang humpay na pagpapasulong ng reporma sa sistemang pampulitika ay nagbibigay-garantiya sa pagsasagawa ng mga mamamayang Tsino ng demokratikong karapatan at sa pangmatagalang katatagan ng lipunan at pulitika at pinapatibay at pinapasulong ang demokratikong pagkakaisa at maharmonyang kalagayang pampulitika.
|