• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-19 16:45:00    
Ang ekonomiya ng Tsina, hindi pa nakaka-overheat

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Zhu zhixin, pangalawang puno ng National Development and Reform Commission ng Tsina, NDRC na hindi pa komprehensibong nag-overheat ang kasalukuyang kabuhayan ng Tsina at hindi naganap ang walang tigil na malaking pagtaas ng presyo na dulot ng mas malaking pangangailangan sa pag-supplay.

Idinaraos nang bawat 5 taon ang Pambansang Kongreso ng CPC. Ayon sa estadistika, sapul nang idaos ang ika-16 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2002, nananatiling 10% ang karaniwang paglaki bawat taon ng pambansang kabuhayan ng Tsina na nagdoble kumpara sa karaniwang paglaki ng daigdig. Kung hahantong o hindi sa implasyon at pagka-overheat ang gayong mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay lubos na nakakatawag ng pansin ng daigdig. Samantala, nitong ilang panahong nakalipas, ang pagtaas ng presyo ng mga paninta ay nagdudulot din ng kahulaan ng mga tao sa mga isyung ito.

Kaugnay dito, sa isang preskong idinaos kahapon ng ika-17 pambansang kongreso, sinagot ni Zhu zhixin ang nasabing mga tanong. Sinabi niyang bagamat hindi pa lumilitaw ang komprehensibong over-heating ng pambansang kabuhayan ng Tsina, nananatili pa ring mamumukod ang mga kontradiksyon at problema sa takbo ng kasalukuyang ekonomiya. Magsasagawa anya ang pamahalaan ng Tsina ng mga bagong hakbangin para lutasin ang mga umiiral na problema.

Ayon sa pinakahuling CPI ng Tsina na isinapubliko ni Zhu sa preskon, noong unang 9 na buwan ng taong ito, tumaas nang 4.1% ang CPI ng bansa. Ang CPI ng katatapos na Setyembre ay tamaas nang 6.2% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, pero bumaba nang 0.3% kumpara noong Agusto ng kasalukuyang taon.

Pinabulaanan din ni Zhu ang pagsasabing lumilitaw ang implasyon sa Tsina. Sinabi niyang ang kasalukuyang round ng pagtataas ng presyo ng mga kalakal ay bunga ng pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural, lalo ng mga pagkain. Kaya, maliit ang posibilidad na tataas ang presyo ng lahat ng mga produkto. Ipinangako niyang ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ay inilagay sa mahalagang tungkulin ng pamahalaan sa makro-kontrol ng kabuhayan para sa pangangalaga sa katatagan ng pamilihan at lipunan.

Sinabi niyang isasagawa ng Tsina ang patakaran ng mahigpit na pagkontrol ng pag-isyu ng salapi para pigilin ang labis na paglaki ng pamumuhunan ng fixed assets; isasagawa ang hakbangin para pasulungin ang produksyon ng mga produktong agrikultural, pahihigpitin ang pangangasiwa sa pamilihan at magbibigay-subsidy sa mga taong may mababang kita.

Ipinalalagay din niyang lumalaki ang agwat ng kita sa Tsina sa pagitan ng lunsod at nayon at sa pagitan ng iba't ibang rehiyon at saray ng lipunan. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, upang lutasin ang isyung ito, pinapahigpit ng pamahalaang Tsino ang suporta sa agrikultura, kanayunan at magsasaga, pinapalaki ang laang gugulin sa mga rehiyon sa dakong kanluran at itinatatag ang lowest living social security system sa kalunsuran at kanayunan.

Sinabi pa ni Zhu na sa ulat na ginawa ng pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng CPC na si Hu jintao, ipinahayag niyang ang makatarungang pagbabahagihan ng kita ay mahalagang pagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng lipunan at dapat makapagtamasa ang lahat ng mga mamamayang Tsino sa bungang natatamo sa reporma at kaunlaran ng estado.