• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-19 18:13:35    
Paghahanda para sa BJ 2008 Olympics, maayos na sa kabuuan

CRI

Ipinahayag ngayong araw ng panig ng Beijing na pagdating sa paghahanda para sa 2008 Olympics, natupad na ang mga pangunahing plano rito ayon sa iskedyul.

Winika ito ni Liu Jingmin, Pangalawang Alkalde ng kabisera ng Tsina at Pangalawang Puno ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing para sa gaganaping Olimpiyada o BOCOG sa isang preskon sa News Center ng idinaraos na ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Sinabi pa ni Liu na:

"Natapos na ang mga pangunahing proyekto para sa gaganaping Olimpiyada ayon sa iskedyul. Halimbawa, 27 sa 37 gyms at istadyum ang nakumpleto. Ang Pambansang Istadyum o Bird's Nest ay nakatakdang makumpleto sa Marso ng susunod na taon at ang ibang 9 na istadyum ay naka-iskedyul na matapos bago magtapos ang kasalukuyang taon. Naitakda na rin ang creative schemes ng seremonya ng pagbubukas at seremonya ng pagpipinid ng gaganaping Olimpiks at nasa ilalim ngayon ang mga ito sa pagpapatupad at insayo. Abalang-abala rin ang mga kinauukulang panig sa paghahanda para sa paghahatid ng sulo."

Aniya, maalwan din ang pagbebenta ng tiket. Mahigit 670 libong tao ang nagpatala na bilang boluntaryo ng gaganaping Olimpiyada. Aniya pa, kasabay ng paghahanda para sa gaganaping Olimpiyada, pinapasulong din ang paghahanda para sa 2008 Paralympics.

Kaugnay naman ng pangako ng Beijing ng pagdaraos ng "luntiang Olimpiyada" at pangangalaga sa kapaligiran, ganito ang tinuran ni Liu.

"Sa buong proseso ng paghahanda, buong-tatag na tinutupad namin ang nasabing mga pangako. Patuloy na magpupunyagi kami rito."

Sinabi niyang upang matupad ang pangako kaugnay ng "luntiang Olimpiyada", sa konstruksyon ng mga istadyum, ginagamit ang mga walang panganib na materyal at bukod dito, ang mga kinauukulang bahay-kalakal ng catering industry ay dapat maggarantiyang walang panganib ang kanilang binibili at ibinebentang produkto. Kasabay nito, pinasusulong din ng Beijing ang paggamit ng mga malinis na enerhiya at nabawasan din ang pagbubuga ng mga pollutant sa pamamagitan ng paglilipat ng mahigit 160 pabrika mula sa lunsod. Nagtatanim din ito ng higit pang maraming halaman at punong kahoy.

Kaugnay ng seguridad ng gaganaping Olimpiyada, sinabi ni Liu na:

"Ayon sa regulasyon ng Pandaigdig na Lupon ng Olimpiyada o IOC at mga sulong na karanasan ng mga punong-abala ng nakaraang mga Olimpiks, naitakda na namin ang detalyadong planong panseguridad."

Binigyang-diin ni Liu na patuloy na magpupunyagi ang Beijing para may katangian at may mataas na lebel ang gaganaping 2008 Olympics.