Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.
Ngayong gabi, bibigyang-daan natin ang ilang mensaheng pambati ng mga tagapakinig para sa ika-17 Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Noong isang linggo pa ay may natatanggap na kaming ganitong mensahe kasabay ng yaong para sa National Day at Mid-Autumn Festival. Natutuwa naman kaming malaman na up to date kayo sa mga kaganapan sa Tsina at sinusubaybayan ninyo ang aming News and Current Affairs.
Ang Partido Komunista ng Tsina (o CPC for short) ay ang naghaharing partido sa Tsina. Tulad din naman ng mga naghaharing partidong pulitikal ng ibang bansa, malaki ang responsibilidad ng CPC sa bayan dahil nasa mga kamay nito ang pag-uugit ng pamahalaan at pagpapatakbo ng pambansang kabuhayan.
Saan man sa mundo, ang bawat partidong pulitikal, nasa poder man o wala, ay may tinatawag na party line (o political line o plataporma de gobyerno sa ibang bansa) at ang party line ng CPC ay isulong ang repormang sosyalista, pagbubukas sa labas at programa ng modernisasyon at panatilihin ang pangmatagalang istabilidad ng estado at gawing mayabong at malakas ang bansa. Sabi ng iba hindi raw madali para sa mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina na manangan sa kanilang party line pero nagagawa nila ito nang buong higpit dahil mas matimbang sa kanila ang national agenda kaysa political agenda. Ito mismo ang tinutumbok ng pananalita ng isang tagapakinig mula sa Olongapo City sa kanyang mensaheng pambati.
Bago mag-adopt ang estado ng mahahalagang hakbangin hinggil sa pangunahing isyu na may direktang kinalaman sa pambansang kabuhayan at ikabubuhy ng mga mamamayan , ang CPC, bilang naghaharing partido, ay kumukunsulta muna sa mga kinatawan ng lahat ng grupong etniko, partidong pulitikal at mga demokrata na walang kinaaanibang partido. Itong sistemang ito na tinatawag na pagtutulungang multi-partido at konsultasyong pulitikal ay ang pundamental na sistemang pulitikal ng Tsina na siya namang lihim na hinahangaan ng marami kasama na ang tagapakinig mula sa Sta. Ana, Manila.
Sapul noong kanyang pagkakatatag, maraming dekada na ang nakalilipas, malayo na rin ang narating ng CPC sa pagpapasulong ng pangkalahatang target ng konstruksiyong pangkabuhayan ng bansa. Noong 1980, naabot nito ang target ng pagkakaloob ng sapat na pagkain at damit na maisusuot sa mga mamamaya. Noong 1995, nagawa nitong itaas nang apat na ulit ang GNP at kasunod nito, nagawa nitong itaas ang per-capita GNP sa lebel ng mga bansang may katamtamang pag-unlad. Kaya tama ang tagapakinig sa pagsasabing masuwerte ang mga mamamayang Tsino sa pagkakaroon nila ng CPC at ganoon din naman ang CPC sa pagkakaroon nito ng nagkakaisang mga mamamayan.
Sa pagsisikap pa rin ng CPC, nagkaroon ng malaking-malaking pagbabago sa istilo ng pamumuhay ng mga Tsino sa loob ng nagdaang 50 taon. Sa kasalukuyan, ang mga mamamayan ay may kakayahang mag-invest sa bahay, kotse, computer, stock at paglalakbay. Tumaas din nang husto ang domestic consumption.
Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensaheng SMS ng ating textmates.
Mula sa 917 401 3194: "Mabuhay sa kongreso ng Communist Party of China! Sana tularan ng inyong counterparts ang inyong pagtutulungan para sa kaunlaran!"
Mula naman sa 919 426 0570: "Warmest greetings sa CPC congress! Sana magpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa bayan!"
At mula naman sa 919 651 1659: "Greetings, Kuya Ramon at more power sa inyong Serbisyo Filipino! Nasa likod ninyo kami!"
Tingnan naman natin kung ano ang mga lamang mensahe ng ating inbox.
Sabi ni Librada Cinco ng Northbay Blvd., Malabon: "Nakatuon ang pansin ng mundo sa CPC congress kasi malakas ang impluwensiya ngayon ng China sa buong daigdig. Ang influence na ito ay mararamdaman hindi lang sa trade kundi pati na rin sa sports, science and technology, medicine at kung saan-saan pa."
Sabi naman ni La Trixia Landicho ng Congressional Road, Quezon City: "Narinig ko minsan sa inyong weekday program ang hinggil sa pagsisimula ng komperensiya ng CPC. Malaki ang role nito sa pag-ugit ng pamahalaan at pagsusulong ng mahahalagang gawain para sa ikabubuti ng buhay ng mga tao. Sana malampasan pa nila ang mga nagawa nila sa nakaraan."
Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer College Makati: "Kuya Ramon, binabati ko ang inyong CPC sa pagdaraos nito ng komperensiya. Sana maidaos ang meeting nang maluwalhati at matamo ang nilalayon ng meeting. Sa resulta ng meeting na ito nakasalalay ang bukas ng mga mamamayan."
Salamat sa inyo, Librada, La Trixia at Sarah.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|