• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-19 20:04:21    
Pag-didisenyo ng damit para sa mga atletang Tsino sa Beijing Olympics

CRI
Ang maganda at hustong pananamit ay walang dudang lalong makapagpapaganda sa emehen ng isang tao. Idaraos sa darating na taon ang Beijing 2008 Olympic Games. Papaano kaya magagayakan ang mga atletang Tsino para maipakita ang kanilang gilas sa seremonya ng pagbubukas at pagpinid ng Olympic Games?

Ito'y naging isang paksang kapwa pinagtutuunan ng pansin ng sirkulo ng magdaramit at sirkulo ng plakasan ng Tsina. Idinaraos ngayon sa Beijing ang talakayan tungkol sa pagdesenyo ng mga damit para sa delegasyong Tsino sa panahon ng 2008 Olympic Games.

Nang banggitin ang damit panserimonya ng mga atletang Tsino sa 2008 Olympic Games, ipinahayag ni Mr. Ma Jilong, direktor ng sentro ng kagamitan ng Pangkalahating Kawanihan ng Palakasan ng Tsina na ang buod ng damit panseremonya sa Olympic Games ay hindi lamang tungkol sa kulay at debuho ng damit, manapa'y dapat magpakita iyon ng kawili-wiling katangiang kultural,

"Hindi lamang seseguraduhin naming magagayakan ang delegasyong pampalakasan ng Tsina sa 2008 Olympic Games ng pinakamagandang damit panseremonya, lalong inaasahan naming higit na mauunawaan ng lahat ng tao ang diwa ng Olympic at ang palakasan at kultura ng nasyong Tsino at palalaganapin ang ideang magdaos ng luntiang Olympic Games, siyentipiko at teknolohikal na Olympic Games at Olympic Games ng sangkatauhan. Kasabay nito'y pasulungin ang gawaing ipabatid sa mga mamamayan ng buong daigdig ang kultura at sibilisasyon ng Tsina at lubusang ipakita ang maluningning na kultura at matagal na sibilisasyon ng Tsina."

Ipinahayag ni Ma Jilong na sa pagdesenyo ng mga kasuutang panseremonya ng delegasyong pampalakasan ng Tsina sa Olympic Games ay dapat ikabit ang elementong Tsino sa tunguhin ng moda ng daigdig. Dapat naaangkop sa kasalukuyang panahon at nagpapakita ng tradisyonal na kasuutan ng Tsina.

Binigyang diin naman ni Mr. Cao Shichao, isang estratehiyang dalubhasa sa kultura ng Beijing, na sa dalawang elemento ng moda at pambansang tradisyon, higit na mahalaga ang pagpapakita ng katangian ng Tsina, sa makatuwid ang katangiang iyon ng Tsina ay hindi lamang katangian ng tradisyonal na kultura ng Tsina, kundi dapat ding ipakita ang katangian ng kultura ng Tsina sa kasalukuyang panahon.