• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-20 17:45:16    
Mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng ibayong dagat, pinag-uukulan ng malaking pansin ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC

CRI

Pinag-uukulan ng malaking pansin ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng ibayong dagat ang kasalukuyang idinaraos na ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ipinalalagay ng naturang mga personahe na ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay hindi lamang may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan at direksyon ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, kundi makakapagbigay ito ng malaking impluwensiya sa buong daigdig.

Bilang isang kapitbansa at mahalagang trade partner ng Tsina, binigyan ng malaking pansin ng TiMog Korea ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC — malaking pangyayari ng pamumuhay na pulitikal ng Tsina. Sinabi ni Heung kyu Kim, propesor ng instituto ng pananaliksik sa diplomasya at seguridad ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na :

"Mula noong 2004, ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Timog Korea. Sa palagay ko, ipagpapatuloy sa hinaharap ang tunguhing ito. Kaya, pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan, dalubhasa at pamahalaan ng Timog Korea ang pangyayaring pulitikal ng Tsina."

Si Srikanth Kondapalli ay pangalawang propesor ng sentro ng pananaliksik sa Silangang Asya ng instituto ng pananaliksik sa isyung pandaigdig ng Jawaharlal Nehru University ng New Delhi ng India. Tinukoy niyang ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay nakatawag ng malaking pansin ng iba't ibang sirkulo ng India. Karamihan sa kanila ay mataimtim na umuunawa sa ulat na ginawa ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa naturang kongreso. Ipinalalagay ni propesor Kondapalli na binigyang-diin ng ulat ng Pangulong Tsino pangunahin na, ang sumusunod na mga aspekto :

"Una, scientific outlook on development; ikalawa, may harmoniyang lipunan; ikatlo, demokrasya sa loob ng CPC. Binaggit din ng Pangulong Tsino ang mga isyung kinabibilangan ng pagbibigay-dagok sa korupsyon, pagtatayo ng sosyalismong may katangiang Tsino."

Sinabi rin ni Gregg A. Brazinsky, propesor ng instituto ng pananaliksik sa relasyong pandaigdig ng George Washington University ng Estados Unidos na nitong mahigit sampung taong nakalipas, mabilis na umunlad ang kabuhayang Tsino at lumakas nang malaki ang impluwensiya ng bansang ito. Kaya, sa iba't ibang uri ng dahilan, pinag-uukulan ng lipunang Amerikano ng malaking pansin ang naturang kongreso. Anya :

"Napapansin ng maraming mamumuhunang Amerikano ang Tsina. Pinag-uukulan naman ng pansin ng mga taong napapansin ang pulitika, ang direksyon ng patakarang panlabas ng Tsina."

Ang "Nouvelles D'Europe" ay pinakamalaking mass media sa wikang Tsino sa Europa, at ibinalita ng pahayagang ito ang naturang kongreso sa maraming pahina. Kaugnay nito, nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), sinabi ni Zhang Xiaobei, punong tagapagpaganap ng pahayagang ito na :

"Ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay hindi lamang isang malaking pangyayari sa pamumuhay na pulitikal ng Tsina, kundi ito ay may kinalaman sa pag-unlad ng Tsina sa susunod na yugto. Kaya, pinag-uukulan ito ng malaking pansin ng mga overseas at ethnic Chinese."