• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-21 18:26:06    
Ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC, ipininid

CRI
Pagkaraang matapos ang iba't ibang agenda, ipininid ngayong araw sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa. Inihalal sa kongreso ang bagong Komite Sentral at Central Discipline Commission ng CPC at pinagtibay ang resolusyon hinggil sa ulat ng ika-16 na Komite Sentral ng CPC, resolusyon hinggil sa working report ng Central Discipline Commission at resolusyon hinggil sa rebisadong burador ng Konstitusyon ng CPC. Buong pagkakaisang sinang-ayunan sa kongreso na ilakip sa Konstitusyon ng CPC ang ideya sa siyentipikong pag-unlad.

Bilang mga huling agenda ng kongreso, inihalal ng mga kinatawan ng kasalukuyang kongreso ang ika-17 Komite Sentral ng CPC na binubuo ng 204 na kagawad at 167 panghaliling kagawad at Central Discipline Commission na binubuo ng 127 kagawad.

Pinagtibay sa kongreso ang resolusyon bilang pag-aaproba sa ulat na binasa ni Hu Jintao sa ngalan ng ika-16 na Komite Sentral.

"Sa ulat na ito, sinagot ang mga mahalagang isyu na sa masusing yugto ng reporma at pag-unlad, maggiit ang partido sa anu-anong prinsipyo, tumahak sa anu-anong landas at patuloy na sumulong sa anu-anong target batay sa anu-anong mental state. Isinagawa ang komprehensibong pagsasaayos para sa patuloy na pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng dakilang target sa reporma at pagbubukas sa labas, konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon at pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas. Itinakda rin ang maliwanag na kahilingan sa komprehensibong pagpapasulong ng party-build-up batay sa ideya sa reporma at inobasyon."

Anang resolusyon, ang naturang ulat ay deklarasyong pulitikal at programa ng aksyon ng pamumuno ng CPC ng lahat ng mga mamamayang Tsino na matatag at di-magbabagong tumahak sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino at patuloy na paunlarin ang sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong simula. Binigyan sa kongreso ng mataas na pagtasa ang mga gawain ng ika-16 na Komite Sentral ng CPC at ipinalalagay na sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC, ganap na tumpak ang lahat ng mga mahalagang desisyon na ginawa ng Komite Sentral.

Binigyan-diin sa resolusyon na dapat matatag at di-magbabagong isagawa ang mga patakaran ng "isang bansa, dalawang sistema", "pamamahala ng mga taga-Hong Kong ng Hong Kong", "pamamahala ng mga taga-Macao ng Macao" at awtonomiya sa mataas na antas para mapasulong ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao. Dapat buong tatag na tinututulan ang mga seperatistang aksyon ng "pagsasarili ng Taiwan" at pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Dapat naman isagawa ang nagsasariling mapayapang patakarang panlabas at pasulungin ang pagtatatag ng may-harmonyang daigdig na pangmatagalang mapayapa at masagana.

Pinagtibay sa kongreso ang resolusyon hinggil sa rebisadong burador ng Konstitusyon ng CPC at agarang nagkabisa ang Konstitusyong ito. Ipinasiya sa resolusyon na ilakip sa Konstitusyon ng CPC ang ideya sa siyentipikong pag-unlad.

"Ang ideya sa siyentipikong pag-unlad ay pagpapatuloy at pagpapaunlad ng mahalagang ideya hinggil sa pag-unlad ng tatlong kolektibong pamunuan ng Komite Sentral ng partido, sentralisadong pagpapakita ng world view at method ng Marksismo hinggil sa pag-unlad, mahalagang tagapaggabay na prinsipyo sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina at mahalagang estratehikong ideya na dapat igiit at isagawa para sa pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino."

Pinagtibay din sa kongreso ang working report ng dating Central Discipline Commission at ipinalalagay na kapansin-pansin ang bunga ng CPC sa konstruksyon ng malinis na administrasyon at paglaban sa korupsyon. Hiniling ng pulong na dapat pabutihin ang sistema ng pagpaparusa at pagpigil sa korupsyon.

Bago ipinid ang kongreso, bumigkas ng mahalagang talumpati si Hu Jintao. Sinabi niya na sa kasalukuyang kongreso, iniharap ang saligang kahilingan sa malalimang pagpapatupad ng ideya sa siyentipikong pag-unlad, ipinaliwanag ang mga bagong kahilingan sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at itinuro ang direksyon ng patuloy na pagpapasulong ng mga usapin ng partido at bansa. Anya,

"Patutunayan ng kasaysayan na ang mga mahalagang desisyon, pagsasaayos at natamong bunga sa kasalukuyang kongreso ay gumanap ng napakahalagang tagapaggabay na papel para sa komprehensibong pagpapasulong ng usapin ng sosyalismong may katangaing Tsino at bagong usapin ng party-build-up at may napakahalagang estratehikong katuturan ang mga ito."