• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-22 20:49:04    
Kalidad ng produktong akwatiko ng Tsina, may garantiya

CRI
Tsina ay isa sa mga mahalagang bansang may produktong akwatiko sa daigdig, umabot sa 53 milyong tonelada ang output ng produktong akwatiko noong isang taon at nasa unang puwesto sa daigdig. Kasabay ng buong lakas na pagpapaunlad ng industrya ng produktong akwatiko, upang igarantiya ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto, itinakda ng pamahalaang Tsino ang pamantayan para istandardisahin ang kapaligiran ng lugar na pinapoprodyusan, proseo ng produksyon, pagtitinda at pagsesertipika ng mga produkto upang mapabilis ang hakbang ng Tsina sa pakikipagisa sa istandard ng daigdig.

Ipinahayag ni Cui Lifeng, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Pangingisda ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina na sa kabuuan naigarantiya ang kaligtasan ng konsumo ng produktong akwatiko ng Tsina. Sinabi niyang:

"Nitong ilang taong nakalipas, matatag na tumataas ang lebel ng kaligtasan ng produktong akwatiko ng Tsina, nitong nagdaang apat na taong singkad, lumampas sa 97% ang qualified rate sa medicine leftover testing sa lugar na pinagpoprodyusan ng produktong akwatiko, kaya, sa kabuuan, ligtas ang kalidad ng produktong akwatiko ng Tsina."

Sinabi ni Cui na sa kabuuan, ligtas ang kalidad ng produktong akwatiko ng Tsina, pero, dahil marami at kalat-kalat sa iba't ibang lugar ang mga palaisdaan sa Tsina at iba pang elemento, nananatili pa ring ngayon ang mga problema sa aspekto ng medicine leftover. Upang malutas ito, nagsasagawa ang mga may kinalamang departamento ng Tsina ng mga mabisang hakbangin para mapabuti ang kapaligiran ng palaisdaan at pagpoproseso ng produktong akwatiko.

Sa ilalim ng mahigpit na pagsusuberbisa at pamamahala ng pamahalaan, lalo pang pinahahalagahan ng mga bahay-kalakal ng industriyang akwatiko ng Tsina ang isyu ng kaligtasan at kalidad ng produktong akwatiko, walang humpay na isinasagawa ang mga hakbangin para pataasin ang kalidad ng produkto nito. Ang Zhanjiang, isang lunsod sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ay nagsisilbing pinakamalaking base ng industriya ng prawn ng Tsina, iniluluwas ang produktong ito sa mga bansa at rehiyong tulad ng E.U., EU at Hapon. Ang Zhonglian aquiculture Cor.Ltd ay isa sa mga malaking lokal na bahay-kalakal ng aquiculture. Isinalaysay ni Xu Kun, mataas na inhenyero ng naturang cooperation na nagsagawa sila ng isang serye ng hakbangin para igarantiya na ang mga prawn nito ay walang anumang rudimental na medisina at heavy metal.

"Sa kasalukuyan, ang aming pangunahing gawain ay inilagay sa pag-iwas sa takbo ng produksyon. Hindi naming ginagamit ang gamot at hindi kailama'y gumamit ng antibiotic. "