• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-23 20:25:19    
Mary Rose Tejada: Matatandaang ang mga Pilipino at Chinese ay mayroon nang interaksiyon noon pa mang marami nang siglo ang nagdaan

CRI

Dear Kuya Ramon,

Alam ko na busy kang lagi pero sana magkaroon ka ng kahit a few minutes para sa letter na ito.

Kumusta pala, Kuya and everybody?

Ipinagdiwang ang 58th anniversary ng China sa ipinagmamalaki nating historic landmark na Manila Hotel. Dumalo sa pagtitipon si Ambassador Song Tao at ang kaniyang maybahay na si Madame Guo Jian Li. Naroon din si Speaker Jose de Venecia at iba pang opisyal ng gobyerno. Ang eksaktong date ay September 29, 2007. Siguro naman mai-imagine mo na ang celebration na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Noong sumunod na araw, ang Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines ay nagdaos ng fellowship sa hotel ding iyon bilang pagdiriwang din sa National Day ng P.R.O.C. Ang pagdiriwang na ito naman ay nagbibigay-tanda o nagpapahalaga sa mahaba, makasaysayan, at benepisyal- sa- kapuwa- panig na relasyon ng Pilipinas at China at sa higit pang malalim na relasyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Matatandaang ang mga Pilipino at Chinese ay mayroon nang interaksiyon noon pa mang marami nang siglo ang nagdaan na pinatutunayan ng mga nakuhang pottery at coins sa Butuan, Cebu at Tondo. Ang mga bagay na natagpuan ay nagmumula pa noong 10th century. Ganun kaluma. Ganun katanda. Ang Chinese culture ay maraming naiwang indelible mark sa ating lipunang Pilipino kaya kabilang ako doon sa mga naniniwalang "baligtarin mo man ang mundo, ang relasyon ng Pilipinas at China ay mananatiling nakatindig".

Babatiin ko naman kayo ngayon ng happy Mid-Autumn Festival.

Always,
Mary Rose Tejada
College of Architecture
University of Santo Tomas
Espana. Manila