Nabuo kamakailan sa Beijing ang informant centre laban sa illegal copy ng National Copyright Administration ng Tsina. Ipinahayag ni Liu Binjie, puno ng General Administration of Press and Publication at National Copyright Administration ng Tsina, na ang aksyong ito ay naglalayong patnubayan ang publiko sa iba't ibang sirkulo ng lipunan sa paglaban sa illegal copy sa pamamagitan ng aksyon ng bansa. Napakahalaga ng katuturan nito.
Opisiyal na itinatatag kamakailan sa Beijing ang informant centre laban sa illegal copy ng NCA ng Tsina, lumahok sa seremonya ng pagkakatatag nito ang mga opisiyal ng working group ng pambansang karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip, GAPP, NCA at Copyright Protection Center ng Tsina at mga kinatawan ng mga may kinalamang organisayon sa loob at labas ng bansa.
Si Ginang Xiang Xin ay isang opisiyal ng tanggapan ng working group ng pambansang karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip, sinabi niya na,
"Ang gawaing ito ay isa sa mga tungkulin ng plano ng pamalahaang Tsino ng pangangalaga sa IPR sa taong 2007. Ang pagkakatatag ng sentrong ito ay ibayo pang nagpapakita ng paninindigan at determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-dagok sa illegal copy, pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga author."
Upang palakasin ang pagbibigay-dagok sa iba't ibang uri ng infringement at illegal copy na nakakapinsala sa pampublikong interes, itinatag ng NCA ang espesyal na pondo para bigyan ng gatimpala ang mga organisasyon o indibiduwal informant at mga tauhan sa takbo sa pagsisiyasat at pagpaparusa sa mga taong may kinalaman sa malubhang infringement at illegal copy.
Ipinalalagay ni Liu ang napagahalaga ng katuturan ng nabanggit na aksyon ng bansa. Sinabi niya na,
"Ang pagkakatatag ng nabanggit an sentro at espesyal na pondo laban sa illegal na aksyon, sa isang banda, ay para mapukaw ang kasiglahan ng mga mamamayang Tsino sa paglahok sa aksyon laban sa illegal copy at sa kabilang banda naman, ay para walang humpay na pagpapaalam sa lipunan sa pamamgitan ng aksyong ito na ang ieelgal na pagkokopy ay isang kriminal na aktibidad at nang sa gayo'y mas mabisang mapigilan ang illegal na aksyong ito."
|