Mga Sangkap
400 gramo ng karne ng tupa 150 gramo ng scallions 1 puri ng itlog 2 gramo ng asin 5 gramo ng cooking sherry 5 gramo ng toyo 100 gramo ng langis na paniuto 10 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig 50 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang karne ng tupa sa mga pirasong may habang 5 sentimetro at lapad na tatlong sentimetro.
Ilagay sa mangkok, lagyan ng 1 gramo ng asin at lamasin.
Lagyan ng puti ng itlog at dry cornstarch at haluing mabuti.
Hiwain ang scallions.
Mag-init ng mantika sa kawali, igisa ang hiniwang karne ng tupa tapos alisin at patuluin ang mantika.
Igisa ang scallions sa 20 gramo ng mantika, hanggang sa lumutang ang bango. Lagyan ng cooking sherry, toyo at tubig at pakuluan.
Ilagay ang natitirang ramo ng asin at ang karne. Haluin nang mabilis at palaputin ang sauce sa pamamagiton ng mixture ng cornstarch at tubig. Hanguin, isalin sa plato at isilbi.
|