• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-25 10:26:00    
Green coal electricity ng mga power station ng Tsina

CRI
Iyong hindi tumupad ng tungkulin ay dapat parusahan sa ekonomiya o tanggalin sa puwerto. Sinabi ni Li na:

"isang point menors, babawasan ng 10 libong yuan RMB. Kung hindi mataimtim na aasikasahin ang kanyang tungkulin ng isang namamahalang tauhan, nagpapakita itong walang kamalayan ng responsibilidad."

Ayon kay Li Rongrong, nadarama nami ang matatag na determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapasulong ng gawain ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng polutant. Sa katunayan, lubos na pinahahalagahan ng maraming empresang ari ng estado ng Tsina ang pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng pollutant.

Ang koryente ay isang industriyang nagpo-prodyuse ng enerhiya, at isa rin itong industriya na nang-uubos ng maraming enerhiya, kaya, ito ay naging unang target sa gawain ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng pollutant.

Sinabi sa mamamahayag ni Wu Ruosi, pangalawang tagapangasiwa ng China Huaneng Group, na nagsisikap ang kanyang kompanya na baguhin ang koryente na likha ng karbon na maging green energy. Para isakatuparan ang naturang target, noong 3 taong nakaraan, iniharap nila ang plano ng "green coal electricity".

Isiniwalat ni Wu na kumpara sa kombensyonal na teknolohiya ng paglikha ng koryente sa pamamagitan ng karbon, ang "green coal electricity" ay may dalawang maliwanag na nakahihigit na katangian:

"una, ito ay maaaring malaking pataasin ang episyensiya ng komprehensibong paggamit ng karbon; ikalawa, bawasan nang malaki nito ang pagbuga ng iba't ibang pollutant at greenhouse gases."

Tinukoy ng mga dalubhasa na ang pagsasagawa ng mga malaking empresang ari ng estado ng Tsina ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng pollutant ay hindi lamang magbibigay ng ambag para sa pagbubuti ng kapaligiran ng yaman, kundi rin ay isang mahalagang paraan sa pagpapataas ng sariling episyensiya, pagpapababa ng gastusin, pagpapalakas ng kakayahang kompetetipo sa daigdig.