Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.
Ngayong gabi matutunghayan ninyo ang pangkalahatang impresyon ng mga tagapakinig sa Partido Komunista ng Tsina o CPC at kanilang reaksiyon sa ginaganap na kongreso ng nabanggit na partido.
Pero bago ang mga iyan, gusto ko munang sagutin ang tanong ni Manuela Kierrulf ng Bel-Air, Makati City. Sabi niya bakit daw sinabi ng tagapakinig na ang CPC ay politicized at hindi politicalized gayong pareho lang naman daw ang kahulugan ng dalawang termino. Ang tinutukoy niya ay si Butch Pangilinan ng Olongapo City na nagsabing:
Sa pag-uusap namin sa telepono, ipinaliwanag ni Butch na ang mga nabanggit na termino ay magkapareho sa pangkalahatang kahulugan, pero sa mga political scientist, ito ay may pagkakaiba. Ang politicalized aniya ay nangangahulugan ng may bahid-pulitika at ang politicized naman ay kabaligtaran nito. Gets mo, Manny? Okay?
At sa ating pagpapatuloy, sinabi ni Romulo de Mesa ng A. Francisco, Sta. Ana, Manila na ang pagdaraos ng CPC ng kongreso ay nataon sa pagtatamasa ng Tsina ng high esteem ng international community dahil sa aktibong pakikilahok nito sa international affairs. Bilang karagdagan, sinabi niya na:
Malaking bagay para sa mga Chinese ang pagpupulong ng CPC dahil dito nakasalalay ang kanilang magiging kalagayan sa mga darating na panahon. Mula pa noong malagay sa poder ang political party na ito, marami na itong nagawa para sa mga mamamayan. Ito mismo ang nagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan at ang resulta ng mga trabaho nito ay nagbigay ng ginhawa sa mga tao. Ang mataas na GDP na tinatamasa ng China ngayon ay resulta rin ng pagsisikap ng CPC. Kaya binabati ko ito sa pagdaraos nito ng mahalagang pulong at binabati ko na rin ang lahat ng mga kaibigang Chinese. Natitiyak ko na magpapatuloy sa pag-asenso at sa pagtatamo ng kaluwagan sa buhay ang mga mamamayan ng bansa sa ilalim ng CPC.
Ang sinabing ito ni Romulo ay sinigundahan naman ni Danny Picasso ng San Andres, Manila sa pagsasabing talagang iba na ngayon ang status ng Tsina sa international community at ito ang dahilan kung bakit nakapokus ang atensiyon ng mundo sa kongreso ng CPC.
Talagang ipopokus ng mundo ang mata nito sa meeting ng CPC kasi iba na ngayon ang status ng China sa international community. Malaki ang impluwensiya nito sa iba't ibang aspects ng mundo. Ang Chinese influence ay makikita hindi lamang sa trade and commerce kundi maging sa area na tulad ng pagme-mediate para sa peaceful solution ng krisis sa pagitan ng dalawang bansa na gaya ng nangyayari sa North and South Korea. Siguradong magiging abala ang international media sa coverage ng meeting na ito.
Impressed na impressed naman si Wilbert Nicolas ng Bukidnon sa performance ng CPC nitong nagdaang mga panahon. Aniya, ang CPC ay isang kahanga-hangang partidong pulitikal. Ibang-iba ito aniya sa mga naghaharing partido ng ibang bansa. Dapat aniyang pagtuunan natin ng pansin kaunti man ang ginaganap na kongreso nito dahil ang resulta ng pagpupulong nito ay magkakaroon din ng epekto sa atin.
Dapat pagtuunan natin ng pansin kahit man lang kaunti itong ginaganap na kongreso ng CPC. Kasi ano man ang mapag-uusapan sa pagpupulong na ito ay may direct impact sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng China. At dahil ang China ngayon ay may malaking impluwensiya sa buong mundo, anu't ano man ang maging resulta ng kongreso ay may epekto rin sa atin. Natitiyak ko na tututukan ng mga kasapi ng partido ang mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng China at hindi madali at hindi kakaunti ang mga isyung ito. In a way, dapat hangaan ang CPC dahil napakabigat ng responsibilidad na isinasabalikat nito pero nagagampanan nito ang kanyang tungkulin nang buong katapatan.
Kung si Wilbert ay sa performance ng CPC lubos na humahanga, ibang bagay naman ang hinahangaan ni super-DJ Happy; ito ay ang sense of patriotism ng partido. Hindi aniya nakakahinayang na pag-aksayahan ng panahong subaybayan ang kongreso nito dahil marami tayong matututuhan dito. Sinabi pa niya na:
Ang CPC ay isa lamang sa mga partidong pulitikal sa Tsina pero ang trabaho nito ay hindi lamang pampulitika; ibig sabihin, iyong mga political parties sa ibang bansa ay abala hindi lamang sa gawain nila para sa bansa kundi sa pagpo-promote na rin ng kanilang political parties at political agenda kaya hati ang kanilang panahon sa partido at sa bansa. Pero ang CPC ay hindi ganito. Higit na pinagkakaabalahan nito ang mga isyung pambansa o isyung pandaigdig na may direktang kinalaman sa bansa kaya mas marami itong accomplishments kung tutuusin dahil sabi nga sa Ingles "more work and less talk".Maari nating sabihin na ang CPC ay may spirit of patriotism at ito ang nagsisilbing guiding force nito.
Maraming salamat sa inyo, Butch, Romulo, Danny, Wilbert at Happy. Si Butch ay nagtatrabaho bilang security guard sa Subic; si Romulo ay isang refrigeration and air-conditioning specialist; si Danny ay isang technician; si Wilbert ay isang farmer-merchant at si super-DJ Happy ay isang ECE.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Pasensiya na kayo medyo kinapos tayo sa oras. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|