Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang ika-4 na China ASEAN Expo o CAEXPO.
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas sina pangalawang premyer Zeng Peiyan ng Tsina, Crown Prince Al-Muhtadee Billah ng Brunei, punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos, punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, punong ministro Hun Sen ng Kambodya at ang mga opisyal at kinatawan ng mga iba pang bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai
|