Sa ikalawang CAEXPO noong taong 2005, sinimulang isagawa ng panig na tagapagtaguyod para sa Tsina't 10 bansang Asean ang promotion ng kani-kanilang kaakit-akit na lunsod o "city of charm", ibig sabihin, ang bawat isa sa 11 kalahok na bansa ay magtatampok ng kanyang kaakit-akit na lunsod.
Sa tingin ninyo, sa kasalukuyang ekspo, aling lunsod ng Pilipinas ang napili bilang "city of charm"? Tiyak na madali ninyong mahuhulaan iyan pagkaraang marinig ang paglalahad ni Maria Rita Oreta Matute, opisyal mula sa Center for International Trade Expositions and Missions sa ilalim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, kaugnay ng kasaysayan ng lunsod na ito. Pakinggan natin.
Tama ang inyong hula--Subic Bay. Sa katotohanan, ang lahat ng 11 kalahok na kaakit-akit na lunsod sa kasalukuyang ekspo ay mga harbor city. Ang 10 iba pa ay kinabibilangan ng Tianjin ng Tsina, Bandar Seri Begawan ng Brunei, Sihanoukville ng Kambodya, Palembang ng Indonesiya, Savannakht ng Laos, Kelang ng Malaysiya, Yangon ng Myanmar, City of Singapore ng Singapore, Chon Buri ng Thailand at Ha Long ng Biyetnam. Kaugnay ng inaasahang matatamong bunga ng Subic Bay sa idinaraos na ekspo, ganito ang sinabi ni Gng. Matute.
Bilang pinakamahusay na halimbawa ng base conversion, sa tingin namin, hindi mahihirapan ang Subic Bay na maisakatuparan ang nasabing layunin dahil marami itong maipagmamalaking aspekto. Tunghayan naman natin ang paliwanag ni Lynette L. Dela Cruz, opisyal mula sa Subic Bay Metropolitan Authority.
Sa katotohanan, ang pinakapangunahing itinatampok na larangan sa kasalukuyang ika-4 na CAEXPO ay ang pagtutulungan ng mga daungan ng Tsina't 10 bansang Asean. Bukod sa nabanggit na mga kaakit-akit na pantalan, idinaraos din ang Porum ng Tsina't Asean sa Pagpapaunlad ng Pagtutulungan ng mga puwerto. Kalahok dito ang mga kinauukulang opisyal at mangangalakal mula sa Tsina't mga bansang Asean.
Nang maglakbay ang aming reporter na si Vera sa exhibition center sa Nanning, sa loob ng exhibition booth ng Subic Bay, nakatagpo niya si Simon Laurent, gurong taga-Kanada na nagtatrabaho sa Nanning. Ganito ang kanyang koment sa exhibition booth ng Subic Bay.
"Noong isang taon, sa tingin ko, pinakakahanga-hanga ang exhibition booth ng Pilipinas na nagtatampok sa Bohol dahil may sayaw at bar. Sa kasalukuyang taon naman, maliit man ito, kombinyente naman. Kung may pagkakataon, gusto kong bumisita sa Pilipinas. Nakakuha na ako ng brochure kaugnay ng Subic Bay at mas mabuti kung mabibigyan ang mga potensyal na turistang tulad ko ng mas maraming impormasyon."
|