• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-30 22:02:50    
Kooperasyon sa puwerto, tampok ng kasalukuyang CAEXPO

CRI
Sa proseso ng pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area, tiniyak ng magkabilang panig ang 10 pangunahing larangang pangkooperasyon na kinabibilangan ng agrikultura, human resources, impormasyon at telekomunikasyon, pamumuhunan, paggagalugad sa kahabaan ng Mekong River, transportasyon, enerhiya, kultura, turismo at kalusugang pampubliko. Sa kasalukuyang CAEXPO naman, ang nagsisilbing tema ay pagtutulungan sa daungan, isa sa nasabing mga larangang pangkooperasyon.

Upang mapatingkad ang temang ito, idinaos ang dalawang-araw na may kinalamang porum mula kamakalawa hanggang kahapon. Sa seremonya ng pagpipinid, pinagtibay ng mga kalahok ang Magkasanib na Pahayag hinggil sa Pagpapaunlad at Pagtutulungan ng Pantalan. Sa ngalan ng mga kalahok, binasa ito ni Ong Keng Yong, Pangkalahatang Kalihim ng Asean. Pakinggan nan natin ang bahagi ng boses ni G. Ong.

"Itinuturing namin ang mga puwerto na mahalagang interface na nag-uugnay ng tubig at lupa. Nagsisilbi rin itong base ng produksyong industriyal at sentro ng distribusyon ng mga produkto patungo sa mga pamilihan. Dahil dito, gumaganap ang mga puwerto ng mahalagang papel sa pag-unlad ng kalakalan at turismo, distribusyon at paglilipat o logistics."

Napag-alamang kalahok sa nasabing porum ang mga namamahalang tauhan sa transportasyon mula sa Tsina't 10 bansang Asean, opisyal mula sa mga harbor city, mga bahay-kalakal ng paghahatid ng kargamento sa bapor at mga dalubhasa. Itinatadhana ng nasabing narating na magkasanib na pahayag ang pitong komong palagay kaugnay ng ibayo pang pagpapasulong ng pagtutulungan sa pantalan ng Tsina't mga bansang Asean. Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong taong 2006, umabot sa 160.8 bilyong dolyares ang kalakalang Sino-Asean at 100 bilyon sa mga ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga puwerto. Sa proseso ng pagpapatupad ng nasabing magkasanib na pahayag, titingkad pa ang papel ng mga daungan sa pagpapasulong ng kalakalang Sino-Asean.

Tulad ng tatlong nakaraang ekspo, ang kasalukuyang CAEXPO ay binibigyan din ng malawak na coverage ng mga mamamahayag mula sa Tsina't 10 bansang Asean. Ganito ang koment nina Cecille Suerte Felipe, reporter ng Philippine Star at Maureen Tracy L. Tanedo, manunulat ng magasing Asian Dragon kaugnay ng tema ng kasalukuyang ekspo.

Mainit din itong tinanggap ng mga kalahok na mangangalakal. Si Jupiter L. Kalambakal ay assistant manager P. R. ng International Container Terminal Services Inc. ng Pilipinas. Sa ngalan ng kanyang kompanya, ipinahayag niya ang isinasagawa at isasagawang pagtutulungan nila ng mga counterpart na Tsino. Pakinggan natin.

Masasabing ang katatapos na porum ay nakalikha ng maluwalhating prospek para sa pagtutulungan sa pantalan ng Tsina't mga bansang Asean. Ganito rin ang ipinahayag na palagay ni Weng Mengyong, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Tsina, sa kanyang talumpati sa news briefing pagkatapos ng nasabing porum. Pakinggan natin.

"Kung babalik-tanawin ang nakaraan, naitatag na ng Tsina't Asean ang mainam na kooperasyon sa komunikasyon. Sa hinaharap naman, sa magkakasamang pagsisikap ng mga pamahalaan ng Tsina at Asean, Sekretaryat ng Asean at mga kinauukulang bahay-kalakal, ibayo pang uunlad ang pagtutulungan sa puwerto ng magkabilang panig at makapag-aambag pa ito para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina't 10 bansang Asean. "