Masasabing isang "pageant" ng mga mangangalakal mula sa Tsina't 10 bansang Asean ang taunang CAEXPO na kung saan nakatanghal ang mga paninda at serbisyong may katangian ng kani-kanilang bansa. Salamat sa platapormang ito, nakita ng mga mangangalakal ang kanilang kapanalig na dayuhan at bunga nito, ang mga mamamamayang Tsino at Asean ay nakapagtatamasa ng mga paninda at serbisyo na hindi nila natatamasa noong araw.
Bago tayo pumunta sa mga exhibition booth ng Pilipinas, pakinggan muna natin ang salaysay ni Bernadette Romula-Puyat, pangalawang kalihim ng agrikultura ng Pilipinas, ang hinggil sa mga pangunahing ipinopromote na mga panindang Pilipino.
Sa katotohanan, ang mga produktong nabanggit ni Gng. Puyat ay masasabing mga dati nang itinatanghal na panindang Pilipino sa bawat CAEXPO sapul nang simulan ito noong taong 2004. Mabentang mabenta ang mga produktong tropikal mula sa Pinas (ito) at dahil dito, maraming may kinalamang bahay-kalakal na Pilipino ang naaakit ng taunang CAEXPO. Ang J. Emmanuel Pastries ay isa sa mga ito. Nang kapanayamin sa loob ng kanyang exhibition booth, ganito ang sinabi ni Gng. Ma. Lydia Lomibao, may-ari ng nasabing kompanya.
Bukod sa mga tradisyonal na nakatanghal na panindang Pilipino, meron pa bang ibang uri ng paninda o serbisyo na nakatanghal? Pakinggan natin ang paglalahad ni Jannifer Torred, (maybe this is Torres) opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas at puno ng delegasyon ng mga kalahok na mangangalakal na Pilipino.
Meron pala--ang property industry. Ngayon, magsadya tayo sa exhibition booth ng kalahok na real estate company mula sa Pilipinas. Ang pangalan ng kompanya ay State Properties Corporation . Sa pagsagot sa aming tanong kung bakit lumahok sila sa kasalukuyang CAEXPO, sinabi ni Alice N. So, Direktor at unang pangalawang pangulo ng kompanya na:
Bukod sa mga itinatanghal na paninda at serbisyo, napansin ng aming reporter na si Vera na sa bawat exhibition booth ng Pilipinas, makakakita at makakakuha ang mga bisita ng mga brochure at pamphlet na may kinalaman sa mga tourist attraction ng Pilipinas. Salamat dito, bukod sa mga katangi-tanging panindang Pilipino, ang prospective tourist mula sa Tsina't ibang bansang Asean ay nabibigyan ng sapat na impormasyon bago sila(ng) magsimula ng kanilang biyahe roon.
Hind maipagkakailang tulad ng pinananabikan ng panig Tsino at panig Asean, tumitingkad ang papel ng CAEXPO sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Asean. Sa tingin namin, sang-ayon dito ang mga kalahok na mangangalakal. Pakinggan natin ang tinuran ni William Lim mula sa W.L. Foods Group of Companies ng Pilipinas na:
Sang-ayon dito ang mga mamamahayahag na sina Cecille Suerte Felipe ng Philippine Star at Maureen Tracy L. Tanedo mula sa magasing Asian Dragon. Pero, meron pa rin naman silang mungkahi pagdating sa pagpapatupad sa mga narating na kasunduan sa CAEXPO. Tingnan natin kung ano ang pinahahalagahan nina.
Bilang punong-abala, ang kagandahan ng Nanning ay nag-iwan ng malalim na impresyion sa mga bisita. Ganito ang sinabi ni Alice N. So mula sa State Properties Corporation.
|