• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-01 18:57:50    
Ika-apat na CAEXPO, ipininid

CRI

Ipininid kahapon sa Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, ang ika-apat na China-Asean Expo o CAEXPO.

Sa ngalan ng Lupong Tagapag-organisa ng CAEXPO, ipinatalastas ni Li Jinzao, pangkalahatang kalihim ng nasabing lupon at pangalawang puno ng Guangxi, ang pagiging matagumpay ng katatapos na ekspo. Sinabi niya na:

"Kumpara sa tatlong nakaraang ekspo, nakapagtamo ang ika-apat na CAEXPO ng bagong progreso pagdating sa mga natamong bunga, lebel ng pag-oorganisa at impluwensiya, bagay na ibayo pang nagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan sa pagitan ng Tsina't mga bansang Asean."

Napag-alamang isang serye ng porum na nagtatampok sa mga temang tulad ng pagtutulungan sa pantalan, inspeksyon sa kalidad ng mga produkto at pagpapahupa ng karalitaan ang idinaos sa katatapos na CAEXPO. Narating din ng magkabilang panig ang mga kasunduang may kinalaman sa nasabing mga tema.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa panig na tagapag-organisa, mahigit 1900 bahay-kalakal ang lumahok sa katatapos na CAEXPO. Hanggang alas-4 kahapon ng hapon, umabot sa 1.42 bilyong dolyares ang bolyum ng kalakalan sa katatapos na ekspo na lumaki ng 12% kumpara sa ika-3 CAEXPO samantalang 182 proyektong pangkooperasyon ang nalagdaan at umabot sa 6.154 bilyong dolyares ang kabuuang halalaga ng puhunan ng mga ito na tumaas ng 5.3% kumpara sa noong isang ekspo.

Positibo ang naging koment sa katatapos na ekspo ng mga kalahok mula sa Tsina't Asean. Ganito ang sinabi ni Cham Prasidh, Ministro ng Komersyo ng Kambodiya.

"Masasabing mas mahusay ang katatapos na CAEXPO kaysa sa tatlong nakaraang ekspo. Mas marami ring bahay-kalakal na Kambodiyano ang kalahok dito. Ang taunang CAEXPO ay nakalikha ng pagkakataon para ibayo pang malaman hinggil sa Kambodiya ng mga mamamayan mula sa Tsina at iba pang mga bansang Asean at salamat dito, mas maraming panindang dayuhan ang nakapapasok sa Kambodiya."

Sinabi naman ni Nicholas Tandi Dammen, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Asean, na:

"Ang katatapos na CAEXPO ay nagsilbi ring isa sa mga pangunahing pagpapalitang komersyal sa pagitan ng Tsina't Asean sa kasalukuyang taon. Kasabay ng paglaki ng kalakalan at pamumuhunan, lumakas din ang pagpapalitan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng magkabilang panig. Ang mga natamong bunga ay naipapakita ng tatlong sumusunod na aspekto—una, tumaas ang bilang ng mga kalahok na bahay-kalakal; ikalawa, itinampok nito ang dalawang porum na may kinalaman sa pagtutulungan sa pantalan at kaligtasan ng mga pagkain at ikatlo, ibayo pang nagpasulong ito ng pagtatatag ng CAFTA, China-Asean Free Trade Area."

Napag-alamang ang ika-limang CAEXPO ay naka-iskedyul na idaos mula ika-20 hanggang ika-23 ng Oktubre sa susunod na taon. Magpaparami pa ang panig tagapag-organisa ng exhibition booth. Bukod sa pagpapanatili ng apat na larangang itinampok sa katatapos na ekspo na kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, teknolohiyang agrikultural at city of charm, may posibilidad na magtampok din ang ika-5 CAEXPO ng pagtutulungan sa industriya ng impormasyong elektroniko.