• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-02 19:38:05    
Patuloy na Kaginhawahan ng mga Mamamayan sa ilalim ng CPC

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.

Halos magkakahawig ang ipinaaabot na mensahe ng mga tagapakinig para sa pagtatapos ng kongreso ng CPC o Partido Komunista ng Tsina, pero magkakaiba sila ng obserbasyon sa naging takbo ng kongreso datapuwat pawang positibo naman ang mga obserbasyong ito.

Sabi ng magsasaka-negosyanteng si Wilbert Nicolas ng Bukidnon, tinutukan daw niya ang takbo ng kongreso at naniniwala siya na ang resulta ng mga pag-uusap ng mga delegado ay magkakaroon din ng epekto sa ating lahat dahil sa malaking impluwensiya ng Tsina sa buong mundo. Sabi niya pawang mabibigat na isyu ang tinalakay at natalakay nila ito nang maayos, walang malaking pagtatalo at buong katapatan. Sinabi pa niya na:

Sa kanya namang sariling mensahe, sinabi ng refrigeration and aircon specialist na si Romulo de Mesa ng Marinduque at Sta. Ana na mula pa noong malagay sa poder ang CPC, marami na itong nagawa para sa mga mamamayan ng Tsina at marami pang tatamasahing ginhawa ang mga ito sa pagtatapos ng kapulungan ng CPC. Binabati niya aniya hindi lang ang CPC kundi pati na rin ang lahat ng mga kaibigang Chinese.

Ang pagbati naman ni super DJ Happy ay pagpapahayag na rin ng paghanga sa attitude ng mga miyembro ng CPC sa panahon ng pagdaraos ng kongreso. Sabi niya higit na mahalaga sa kanila ang kapakanan ng bayan kaysa kanilang mga sarili at partido.

Para naman sa stenographer na si Minda Gertos ng Cebu City at Sta. Ana, masuwerte sa isa't isa ang CPC at mga mamamayang Tsino.

Maraming salamat sa inyo. Ngayon, tingnan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.

Mula sa 917 401 3194: "Ang CPC ay champion of the masses. Higit na pinahahalagahan nito ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa mga political ambitions ng mga miyembro ng partido. Ito ang ipinagkaiba nito sa ibang political parties sa ibang bansa."

Mula naman sa 919 648 1939: "CPC is a real party of the people, by the people, for the people. Naniniwala ito na ang bayan ang dapat na maging panginoon at siyang dapat maghari sa lipunan. Binibigyan nito ng pagkakataon ang higit na nakararami na makilahok sa gawaing pulitikal ng bansa."

At mula naman sa 919 651 1659: "Ang CPC ay dapat pamarisan ng ibang political parties sa mundo sa dami ng mga accomplishments at sa dami ng mga nagagawa sa loob ng maikling panahon."

Tingnan naman natin ang mga laman ng ating inbox.

Sabi ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Ang Partido Komunista ng Tsina ay tunay na partido ng bayan. Mula't sapul at lalo na nang ipatupad ang reporma at pagbubukas sa labas, marami na itong naisulong na hakbanging tunay na kapakipakinabang sa mga tao na tulad ng kompulsaryong edukasyon, serbisyong medikal para sa mahihirap, karagdagang oportunidad sa trabaho, pagpapaliit ng agwat ng mahirap at mayaman, at pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad ng mga lunsod at probinsiya. Sa kasalukuyan, isinusulong din nito ang pagiging tunay na puwersang ekonomiko ng bansa at pakikilahok ng higit na maraming pangkaraniwang tao sa usaping pulitikal ng bansa."

Sabi naman ni Manuela Kierrulf ng Bel-Air, Makati City: "Taun-taon, habang patuloy ang China sa pag-akyat sa economic ladder, nadadagdagan din nang nadadagdagan ang mga issues na kinakaharap nito at ganundin ang challenges. Ganyan talaga. Pag may asenso, meron ding problema at hamon. Ang mahalaga ay nakahanda ang bansa na harapin ang mga problema at hamong ito."

Sabi naman ni Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Malabon: "Nakatuon ang pansin ng mundo sa CPC congress kasi malakas ang impluwensiya ngayon ng China sa buong daigdig. Ang influence na ito ay mararamdaman hindi lang sa trade kundi pati na rin sa sports, science and technology, medicine at kung saan-saan pa."

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.