• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-05 21:53:29    
Pamumuhay na kultural ng isang nayon sa hilagang Tsina

CRI
Nagpapalabas ang mga taga-nayon ng yangge-katutubong sayaw sa hilagang Tsina. Bawat gabi, ang mga taga-nayon ay sumasayaw sa may Lupon ng mga Taganayon sa saliw ng tambol at gong. Ang palabas nila ay nakakaakit ng maraming tao. Kay sigla ng Tanawing ito.

Yanhe ay isang maliit na nayong may mahigit 2 libong taong kasaysayan sa Hilagang Silangang Beijing. Nitong nakalipas na maraming taon, ikinabubuhay ng mga taga-nayon ang pagtatanim tulad ng ibang mga magsasakang Tsino. At kasabay ng pagsasagawa ng Tsina ng pagtatayo ng bagong nayon, naganap ang malaking pagbabago rito. Noong isang taon, kinansela ng pamahalaang Tsino ang pagsingil ng buwis sa agrikultura at binigyan pa ang mga magsasaka ng subsidy sa ilang aspekto, at higit pa, may seguro ang mga pananim nila. Salamat sa mga patakarang ito, walang tigil na tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga taga-nayon sa aspekto ng materyal, at yumayaman rin ang kanilang pamumuhay sa aspekto ng kultura.

Noong isang taon, kinabitan ng Lupon ng mga Taganayon ng Yanhe ng mahigit 20 computer ang Sentro ng Aktibidad na Kultural nito para sa mga taga-nayon. Sa tulong ng mga computer, makakakuha sa internet ang mga taganayon ng impormasyon para sa pagtitinda ng mga produktong agricultural. Ginagamit pa nila ang mga computer para sa pag-aaral at paglilibang. Kinakausap ni Wu Xinying ang kanyang anak sa Internet. Sinabi niya na:

"Nag-aaral sa Chongqing ang anak ko, hindi siyang makabalik nang madalian dahil masyadong malayo. Lagi kaming nag-uusap sa internet. Mukhang maayos siya sa lahat ng mga ginagawa nito. Wala akong abala sa kanya."

Sa bakanteng lupa katabi ng Lupon ng mga Taganayon ay may body-building equipment. Maraming tao ang nag-eehersisyo at naghuhuntahan dito bawat araw, nagpapasasa dito at naglalaro ang mga kabataan ng kasiyahan sa iba't ibang laro. Laging inioorganisa ng Lupon ng mga Taganayon ang iba't ibang aktibidad na pangkultura at pampalakasan. Isinalaysay ni lolang Shan na:

"Mahilig sa sayaw ng Yangge ang mga 40 at 50 taong gulang na taga-nayon. Karaniwang may mga 30 tao bawat araw ang sumasayaw nang mahigit 2 oras. Nagpapalabas naman ng pelikula rito, 2 ulit bawat buwan, at maraming manonood."