Ipininid noong Miyerkules sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang 4 na araw na ika-4 na China-ASEAN Expo o CAEXPO.
Sa kasalukuyang ekspo, umabot sa 1.42 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng transaksyon na lumaki ng mahigit 12% kumpara sa nagdaang ekspo. Nilagdaan din sa ekspo ang 182 proyekto ng pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan at lumampas sa 6.1 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan na lumaki ng mahigit 5% kumpara sa nagdaang ekspo.
Sa panahon ng ekspo, idinaos din ang mga pulong, porum, promosyon at mga iba pang aktibidad.
Sa Porum sa Pag-unlad at Pagtutulungan ng Puwerto ng Tsina at ASEAN, ipinalabas ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang "magkasanib na pahayag hinggil sa pag-unlad at kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at ASEAN", at narating nila ang maraming komong palagay sa pag-unlad at kooperasyon ng mga puwerto sa hinaharap. Sa naturang pahayag, binalangkas ng 2 panig ang mga may kinalamang maginhawang patakaran sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan para mahikayat at katigan ang aktibong paglahok ng mga bahay-kalakal sa konstruksyon ng imprastruktura ng puwerto ng ibang bansa batay sa mga batas at regulasyon ng kanilang bansa. Sa pamamagitan ng pagdaraos ng simposyum at training class, pasusulungin ng 2 panig ang konstruksyon ng puwerto at ang kanilang pagpapalitan sa larangan ng pamamahala. Bukod dito, ibayo pang palalakasin ng magkabilang panig ang kanilang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng superbisyon sa mga port country at seguridad sa dagat.
Sa kauna-unahang pulong ng mga ministro ng pagsusuri sa kalidad ng Tsina at ASEAN, ipinalabas ng mga departamento ng pagsusuri sa kalidad ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang "Magkasanib na Pahayag ng Nanning", at narating nila ang malawak na komong palagay hinggil sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa food safety, proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at iba pa. Magkahiwalay na nilagdaan naman ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Guarantine ng Tsina ng Pilipinas at Indonesia ang katitikan, at ipinangako nilang itatag ang mekanismong pangkooperasyon sa food safety at maayos na lutasin ang mga problema ng kalidad at seguridad sa kanilang bilateral na kalakalan ng pagkain. Sa katitikang nilagdaan ng Tsina at Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, binalik-tanaw ng magkabilang panig ang kalagayan ng kanilang pagtutulungan sa larangan ng food safety, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng naiwang formaldehyde sa pagkain. Umaasa ang panig Tsino na siyentipikong pakikitunguhan ng panig Pilipino ang naturang problema. Ipinahayag naman ng panig Pilipinas na kasalukuyang tinatasa at pinag-aaralan nito hinggil sa problemang ito, at isasaayos ang mag kinalamang patakaran batay sa resulta ng pagtasa.
Sa Porum ng Pag-unlad at Pagbawas sa Kahirapan ng Tsina at ASEAN, ipinalabas ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang "Mungkahi ng Nanning" hinggil sa pagtutulungan sa pagbabawas ng kahirapan para magkakasamang mapasulong ang pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng kahirapan.
Sa Porum sa Panggugubat ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Li Yvcai, pangalawang direktor ng Pambansang Kawanihang ng Panggugubat ng Tsina na mahigpit ang kooperasyon ng panggugubat ng Tsina at mga bansang ASEAN, lumalawak nang lumalawak ang mga larangang pangkooperasyon. Iminungkahi niyang dapat lubos na samantalahin ng dalawang panig ang kasalukuyang umiiral na bilateral at rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon, aktibong isagawa ang pagpapalitan ng kabuhayan, teknolohiya, impormasyon at tauhan hinggil sa panggugubat; palakasin ang pagsasanggunian sa mga larangang gaya ng pagpapatupad ng batas at pamamahala sa gubat at sustenableng pagtatakbo; aktibong pangalagaan at paunlarin ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa panggugubat, palakasin ang pagtutulungan sa pangangalaga sa yaman, aktibong pasulungin ang kooperasyon sa mga bagong larangan.
|