• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-07 20:59:15    
Tidal bore ng Ilog Qiantangjiang

CRI
Ang tradisyon ng panonood ng paglaki ng tubig sa Qiantang River ay nagsimula na noon pang panahon ng Song Dynasty (216 BC-AD 220) at umabot ito sa kasukdulan noong Song Dynasty (960-1279). Noong panahon ng Southern Song Dynasty (1127-1279) na siyang ikatlong araw pagkaraan ng Mid Autumn Festival sa huling hati ng Setyembre o unang dake ng Oktubre, na kung kalian nasa kanilang kasukdulan, ay opisyal na itinuturing na Tide Watching Festival.

Ang pinakamainam na vantage point ng paglaki ng tubig ay ang Guanchang Shengdi (tide watching wonderland) Park sa Yanguan Town sa timog kanluran ng lunsod. Ang tanawin ay umaabot sa kasukdulan nito, na tumatagal ng 12 minuto, sa pagitan ng ika-11 ng umaga at ika-2 ng hapon.

Nagsisimula ito na tila isang puting linya sa horizon, at pagkaraan ng ilang Segundo ay buong bilis na dumadaluhong ang tubig sa taas na 315 metro. Sa ilang lugar, ang pagbagsak ng umaalimbukay na tubig na humahampas sa dikeng nakabibingi ang ingay ng pagsalpok ay may taas na 8.9 metro.

Sa kabila ng pag-iingat na pangseguridad na isinasagawa ng pamahalaang local, may ilan pa ring manonood na ayaw magpasaway at malalakas ang loob ang tinatangay ng malakas na agos taon-taon.

Yaong gustong makita nang buong buo ang tanawin ay sumusunod sa paglaki ng tubig sa pamamgitan ng sasakyan mula sa Big Gap, 12 kilometro sa silangan ng Yanguan Town, patungong Yanguan, pagkatapos ay tuloy tuloy pakanluran hanggang Yancang Town upang mapanood ang pagbabalik ng alon.