Mula noong Setyembre ng taong 1997, inihatid patungo Beijing sa pamamagitan ng tubo ang natural gas mula sa lalawigang Shaanxi na halos 1000 kilometro ang layo. Ang "tubo-linya" kilala sa "Shaanxi-Beijing Line". Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit ito sa 10 taon.
Sinimulan ang pagtatatag ang "Shaanxi-Beijing Line" noong Mayo ng 1996, ang kabuuang haba nito ay 910 kilometro at tinawag itong "Shaanxi-Beijing Line 1".
Kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan ng Beijing, noong 2005, opisiyal na ginamit ang ika-2 pipeline sa pagitan ng Shaanxi at Beijing na may habang 935 kilometro na tinawag na "Shaanxi-Beijing Line 2".
Nitong 10 taong nakalipas, inihatid ng mga ito ang 17.5 bilyong metrong kubiko na malinis na natural gas sa Beijing na bumuo ng mahigit 95% ng kabuuang konsumo ng Beijing.
Ang maintenance center ng sangay ng Shuozhou ng China National Petroleum Corporation, CNPC sa Lalawigang Shangxi ay bahala sa paggarantiya sa kaligtasan ng tubo sa pagitan ng Shanxi at Beijng.
Ipinagmamalaki ni Wu Zhonglin, namamahalang tauhan ng sentrong ito ang kanilang gawain bilang bantayan ng "Shaanxi-Beijing Line", sianbi niyang:
"Ang tubong ito ay may kinalaman sa buhay ng pamumuhay ng mga mamamayan at kabuahyan sa rehiyon ng Beijing at Tianjin, kaya malaki ang presyur para sa namin. Kung lilitaw ang problema, agarang kukumpuniin namin para maigarantiya ang pagpapanumbalik ng pagsusuplay ng gas sa loob ng 20 oras."
Upang maigarantiya ang maligtas at mabisang paggamit ng tubo, gumagamit ang CNPC ng maunlad at siyentipikong paraan sa pamamahala para ilagay ang pananggalang ng kaligtasan. Ang kalagayan sa anumang bahagi ng "Shaanxi-Beijing Line" ay maaaring ipakita sa computer sa central control office sa Beijing.
|