• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-09 17:13:24    
Kapit bahay ko ang "Bird Nest"

CRI
Nasa kahilagaan ng Beijing ang Himnasyong Bird Nest. Bilang pangunahing himnasyo ng Beijing Olympic Games, sa mula't sapul pa'y pinagtutuunan na ito ng pansin ng mga tao. Isa itong kahanga-hangang konstruksyong nakayayanig sa sangkalupaan at nalilipos ng pinakamodernong kulay.

Sapul nang simulan ang konstruksyon ng Bird Nest noong Desyembre ng 2003, malaki na ang ipinagbago dito sa loob ng tatlo't kalahating taon. Kabilang ang mga tao dito, Si Mr. Chang Baishun ang siyang ating panginoon. May tatlo't kalahating taon na siyang nakipagkapitbahayan sa Bird Nest. Kaya nasaksihan niya mismo ang pagtayo sa Bird Nest sa paglipas ng bawat araw. Ano kaya ang namumukod na damdamin niya sa Bird Nest.

Isang karaniwang naninirahan sa munting distritong Anhuili si si Mr. Chang Baishun. Sa pagdadapit-hapon araw-araw, dumadaan sa lugar ng konstruksyon ng Bird Nest ang kotseng minamaneho ni Mr. Chang Baishun sa kanyang pag-uwi sa bahay. Ang Bird Nest na tinatanglawan ng silahis ng papalubog na araw nagpaparamdam kay Mr. Chang Baishun ng kasiglahan at kariktan.

Sa tuwi-tuwi nang binabanggit ang lagay ng kanyang tahanan, laging nakatimo sa kaibuturan ng kanyang puso ang mapagmayabang na damdamin.

"Oo, oo, Talagang mayroon akong mapagmalaking damdamin. Sinasabi kong napakalapit sa himnasyong ito ng Olympic Games ang aming tahanan. Gayon nga ang pakiramdam ko. Ang sabi ng mga tao, saan ka nakatira, ang sabi ko'y sa Nayon ng Asian Games. Sa ibang araw kung manunuuod ng Olympic Games, tiyak na madali na iyon."