Ang 27 taong gulang na si Mahire ng lahing Kazak ay amo ng isang household management company sa lunsod ng Yining ng rehiyong autonomo ng Uygur ng Xinjiang. Sapul nang mabuo niya ang naturang bahay-kalakal noong nakaraang dalawang taon, maaga siyang dumarating tuwing umaga sa opisina para gumawa ng plano sa gawain sa buong araw para tuparin ng stuff at bihasa siya tuwing gabi sa pagsusuri sa kalagayan ng tumupad na gawain pagkaraang umuwi ang lahat ng stuff. Dalawang taon nakaraan, siya ay isang kawani ng pamahalaang lokal may matibay na sahod at saka hindi mapagod ang trabaho. Sinabi niya na
"Ang unang hanap-buhay ko ay archivist sa lokal na women's federation. Ginugusto ang trabahong ito ng aking nanay, umaasa ang nanay ko na magiging matibay ang aking hanap-buhay."
Sa Xinjiang na pinaninirahan ng maraming pambansang minoriya, nais ng mga university student at kanilang mga magulang na magiging civil servant dahil matatag ang hanap-buhay na ito at maliit ang panganib. Datapuwa't pagkaraang magtrabaho si Mahire doon nang tatlong taon, natuklasan niya na hindi angkop ang nabanggit na trabaho sa kanyang pagkatao, sabik na sabik siya sa pagharap sa isang bagong hamon. Pagkaraang mataimtim na isaalangalang, ipinasiya niya na magbitiw ng kanyang tungkulin sa pamahalaan. Datapuwa't nalaman niya na buong tatag na tinututulan ng kaniyang nanay ang pagpili niya. Sinabi niya na
"Iilan lamang sa mga Kazak ang nagnenegosyo. Ito, marahil, ay may kinalaman sa tradisyonal na kaisipan ng lahi at mahina ang ideya sa kompetisyong pampamilihan. Kaya, hindi sinang-ayunan ng aking mga magulang ang kapasiyahan ko."
Hindi pa natatagalan pagkaraang magbitiw si Mahire ng kaniyang tungkulin, isinapubliko ng pamahalaang lokal ang isang patakaran para inkorahehin ang pagsisimula ng mga nagtapos ng unibersidad ng negosyo. Sa palagay niya, yayamang ipinalabas ng pamahalaan ang patakarang preperesyal, dapat samantalahin niya ang pagkakataong ito. Sinabi niyang
"Ang aking unang reaksyon noong panahong iyon ay mabuo ang isang household management company. Pamilyar ako sa industriyang ito salamat sa karanasang nakuha ko sa women's federation, nais kong palawakin ang serbisyo ng industriyang ito."
|