• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-12 15:33:54    
Malusog na Beijing para sa malusog na Olimpiyada

CRI
Magtatatg ng sistema ng pagpapalitan ng impormasyon at magkasanib na miting ang lahat ng departamentong ito'y magkakasama-sama sa pag-iwas at pagkontrol ng epidemiya. Sa gayo'y nabuo na ang balangkas ng magkasamang pag-iwas at pagkontrol ng epidemiya para sa kaligtasan ng kalusugan ng taumbayan.

Napag-alamang sinamantala ng Beijing ang pagkakataon nang nagdaos ng China-Africa Cooperation Furum noong isang taon, at nagsagawa ng pangkalahatang pagsasanay tungkol sa kaligtasan ng kalusugan ng madla. Sa pagsisikap ng iba't ibang panig, ganap na natupad ng Beijing nang walang kamali-mali ang mga gawain tungkol sa medical guarantee ng naturang forum.

Pinatutunayan ng resulta ng pagsasanay na mapagkakatiwalaan ang kakayahan ng organo ng seguridad ng .public health sa pagtugon sa mga problemang maaaring maganap sa panahon ng pagdaraos ng mga mahahalagang aktibidad pandaigdig. Alinsunod sa pananaliksik at pagsusuri ng public health bureau ng Beijing, sa panahon ng pagdaraos ng Beijing Olympic Games, sa karaniwa'y may 5 insidente ang maaaring mangyari, una ang malubhang epidemiya, ika-2 ang insidente sa pagkain, ika-3 insedente sa seguridad ng inuming tubig, ika-4 insedente sa kalusugan ng madla, na sanhi ng pagkalat ng sakit at iba pang biglaang insidente.

Sa pagharap sa iba't ibang insidente, ang lunsod ng Beijing ay nagtakda ng ilang masusing pangkagipitang paunang kaso. Ayon kay Mr. Liu Zhejun, direktor ng disease control center ng public health bureau ng Beijing,

"Inisa-isa namin ang mga posibleng maganap ng insedente kaugnay ng public health, sa panahon ng Beijing Olympic Games na umaabot sa 45 lahat-lahat. At gumawa ng quantitative analysis at qualitative analysis at nagharap ng ng mga katugong paraan."

Mangyari pa anumang paraan ang gawin sa pagpigil at pagkontrol ng mga sakit ay pawang mga katugong paraan lamang sa natatanging kalagayan. Ang pinakamahalaga ay dapat magsimula sa bawat taga-Beijing na totohanang bawasan ang nakatagong peligrong maaaring magsapanganib sa seguridad ng kalusugan.