• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-13 16:19:17    
Peking Opera sa loob ng teatro

CRI
Kung, isang gabi sa isang teatro, nakaupo ka sa tabi ng mesa, sa halip na nasa isang hanay ng mga upuan, umiinom ng tsa at kumukukot ng mani habang ang mga katabi mo ay nagpapadyakan ng paa at nagsisigawan bilagn papuri sa pagtatanghal, sa sandaling ito'y nanood ka ng isang pagtatanghal ng Peking Opera.

Sa ngayon, may isang teatro ng Beijing ang nagtatanghal ng Peking Opera. Sa karaniwan, ito'y isang pastiche na hango mula sa mga kilalang opera, na nagtatampok ng acrobatics, martiche arts at kaunting pagkanta, para sa kabutihan ng mga turistang galing sa kanluran. Pinintasan ito ng mga Tsinong mahilig sa opera sa pagsasabing salat ito sa artistic authentivity, at itinuturing ang mga kanluraning mahilig gayong ng operayong militar bilang mga hindi matalinong bata na ignarante s aantas ng kasiningan na punong puno nito ang Peking Opera.

Alam na alam ng mga theatergoer na tunay na humahanga sa pambihirang sining ng pagtatangha na ito ang bawat dulang buong taimtin nilang pinanonood, at madalas na nakapikit sila tuwing darating ang partikular na makirap na pagsage ng isang aria, sapagkat mas gusto nilang pakinggan kaysa panoorin ang pagtatanghal.

Ang Piaoyou-mga amateur actor-ay mga aficionado ng Peking Opera ay magroon na sapul pa ng magsimula ang sining mismo. Mga propesyional sila na inilalaan ang kanilang malayang oras para sa Peking Opera. Sa lumang Tsina, kadalasang pinagsasam-sama nila ang kanilang kasiglahan sa pagtatanghal ng mga amateur performances. Ang didikasyon ng mga Piaoyou ay maikukumpare sa mga football fan sa ngayon. Bukod sa pagsigaw ng kanilang pagpuri sa pagtatanghal, may naghahangis pa ng nga mga parties pagkatapos ng isang napakagandang pagtatanghal, at nagdaraos ng pagdiriwang sa karangalan ng mga magagaling na actor. Ang nakalukungkot, mahirap nang makahanap ngayon ng mga klasikal na piaoyou.

Gayunman, buhay pa rin ang ilan sa kanilang tradisyon, kabilang dito ang pagdaraos ng regular na miting, piaofang, sa isang bahay o sa isang lugar na pampubliko. Magtungo ka sa alinmang park eng lunsod, mula ika-9 ng umaga (mas maaga kung panahon ng tag-init), pagpasok sa loob ay makakakita ka ng isang piaofang ng mga kumakantang piaoyou, na karamiha'y mga may edad na. nagtatagpo sila sa maginaw na tag-lamig at mabuhanging tag-sibol. Para sa kanila, nabubuhay sila para kumanta ng Peking Opera.

Nakikilala ng mga mahilig ng Peking Opera ang isang opera sa pamamagitan lamang ng stage make-up ng isa sa mga tauhan nito. Si Guan Yi ay kilalang tauhan sa teatre at kasaysayan ng Tsina. Ang aktor na gumaganap sa papel na ito ay may red face make-up sapagkat nagpapahayag ito ng katapatan at kabaitan ng tauhan. Ang panakakilalang hukom ng celestial Kingdom, na madalas na lumalabas sa Peking Opera ay si Bao Zheng, na makikilala sa kanyang maitim na mukha.