Simple lamang ang stage setting ng Peking Opera. Madalas na binubuo ito ng di-lalampas sa isang mesa at dalawang silya, subalit ang mga walang kuwentang prop na ito ay lubos na nagpapatunay ng malinaw na senarye. Upang mahuli ang masusing kaibhan, dapat kang maging mabusay sa subtext ng Peking Opera.
Sa gayon ay malalaman mo na kapag ang mesa at mga silya ay maynakalagay na valance na may burdang isang lumilipad na dragon, ang backdrop ay isang palasyong imperyal, ang mga murang asul o berdeng valance na may burdang mga orchid ay nangangahulugan ng pagsisiyasat, samantalang yaong may mga engrande at maharlikang kulay at mga imahen ay nagpapakita ng isang kampaong militar. Ang maliwanag at matingkad na kulay ay magpapakitang sa taberna nagaganap ang aksyon.
Mahalaga ang paraan ng pag-sasayos ng mesa at silya. Ang mga silya sa tabi ng mesa ay nagpapahiwatig ng sitwasyong pangseremonya, na gaya ng pakikipagkita ng emperador sa mga tao, ang pagdaraos ng heneral ng pulong militar na tinatalakay ng mga opisyal ang mga suliraning pag-estado. Kapag nasa harapan ng mesa ang mga silya, inilalarawan ang isang sksena sa pang-araw araw na buhay pamilya.
Maaari ding katawanin ng mesa ang kama, observation platform, city wall tower, bundok o maging ng mga ulap na naghahatid ng mga kaluluwa, samantalang madalas na ginagamit ang mga silya bilang mga sandata sa mga tagpong labanan. Kaya ang mga hamak na mesa at dalawang silya ay mahalagang mahalaga sa mataas na kaltura ng Peking Opera, kung saan ang pangunahing pokus ay sa nilalamang moral kaysa sa mahipit na pagsunod sa realidad.
Pagkatapos, ang mga playbill, gaya ng alam na natin ay gumitaw sa mga teatrong Tsino kamakailan lamang-na 60 taon lang ang nakararaan. Noong panahon ng Qing Dynasty (1644-1911) at noong Republican era (1911-1949) isang patalastas na bumabanggit lamang sa pangalan ng mga artista nito, pero kinalimutang banggitin ang pangalan ng dula, ang makikita sa pasukan ng mga teatro.
Pero hindi kailanman nagduda ang mga piaoyou kung aling opera ang panonoorin nila nang gabing iyon, sapagkat ang mga prop ng mga panggabing pagtatanghal ng opera ang panonoorin nila nang gabing iyon ay nakadisply sa araw. Para sa mga Piaoyou, katumbas ito ng isang hand engrabed program na iniisa-isa ang dula, balangkas, at mga tauhan.
Sa ngayon ang mga mahilig sa opera ay kumukuha ng impormasyon mula sa mga playbill, pahayagan ta magasin, at singtalino pa rin gaya ng dati sa pagtingin sa panakapino at may estilong sining ng pagtatanghal na ito. Hangga't may Peking Opera, magpapatuloy ang tradisyon ng piaoyou.
|