• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-15 19:18:25    
Pagpapalagayan ng tauhan ng Tsina at ASEAN

CRI
Kasabay ng paghigpit ng relasyong Sino-Asean, dumarami rin ang mga estudyante sa mga pamantasan sa Nanning na nagme-major sa mga wika ng mga bansang Asean. Kaugnay nito, sinabi ni Tang Huihui, tagapagsalin sa wikang Biyenames mula sa Guangxi People's Radio, na:

"Ang dahilan ng aking pagpili ng major na ito ay pahigpit nang pahigpit ang relasyong Sino-Biyetnames. Malaki ang pangangailangan ng mga talentong marunong mag-Biyetnames."

Bilang lugar na pinagdarausan ng taunang China-Asean Expo o CAEXPO, nitong tatlong taong nakalipas sapul noong unang CAEXPO sa taong 2004, maraming mangangalakal mula sa mga bansang Asean ang naaakit na mamuhunan sa lunsod na ito.

Kasabay ng paghigpit ng relasyong Sino-Asean, itinakda ng pamahalaang munisipal ng Nanning ang sonang pangnegosyo ng Tsina't Asean. Kaugnay nito, isinalaysay ni G. Wei, namamahalang tauhan sa sonang ito, na:

"Ang sonang pangnegosyo ay nahahati sa tatlong parte na kinabibilangan ng nukleong sonang pangnegosyo, liaison base ng 10 bansang Asean at sonang panlibangan. Pinlano naming tapusin ang konstruksyon ng mga pasilidad ng lahat ng mga opisina sa negosyo ng 10 bansang Asean sa kasalukuyang taon. Ayon sa plano, matatapos na sa kabuuan ang konstruksyon ng buong sonang pangnegosyo sa loob ng limang taon."

Sa Nanning na tinaguriang "luntiang lunsod" ng Tsina, higit pang maraming balita at impormasyon kaugnay ng mga bansang Asean ang nababasa, naririnig o napapanood din ng mga mamamayang lokal. Matatagpuan din nila ang mga taksi na ang bahay-kalakal ng mga ito ay may puhunan mula sa Asean.

Pagdating sa mga libangan, nakapagtatamasa rin ang mga taga-Nanning ng mga masaheng Asean. Ipinakikita nitong "feel na feel" ng mga taga-Nanning ang mga elementong Asean.