• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-16 19:42:57    
Walang Kasing-sarap na Chinese Cabbage with Pork or Prawns

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo?

Iba-iba ang kuwento ng mga naanyayahan namin para magpakitang-luto sa programang ito hinggil sa kung paano sila natuto ng Chinese recipes. May nagsabi na natuto sila ng lutong Tsino sa matagal na pamamalagi nila sa Tsina. May nagsabi naman na natuto sila ng ganitong luto sa paglalakbay nila sa mga bansang popular ang Chinese dishes. May nagsabi naman na tinuruan sila ng kaibigang Chinese o kaibigang Pilipino na galing sa Tsina.

Ang guest cook natin ngayong gabi ay hindi natuto sa kanyang paglalakbay o dahil tinuruan ng kaibigan. Siya ay natuto sa kanyang sarili. Bumili siya ng Chinese cook book at pinag-aralan niyang lutuin ang mga recipe doon. Pagkaraan ng seryosohang pag-aaral, masasabi na rin nating siya ay isa nang eksperto sa Chinese cuisine.

Narito ang ating guest cook ngayong gabi, si Aling Lucy Folkhart ng Germany. Sige, Aling Lucy, batiin ninyo ang ating mga tagapakinig at sabihin ninyo kung ano ang inihanda ninyong putahe para sa kanila.

Tandaan ninyong mabuti ang pangalan: Chinese Cabbage with Pork or Prawns. Sabi ni Aling Lucy, ngayong gabi raw, pork ang gagamitin niya para hindi gaanong matrabaho.

Alamin natin sa kanya kung anu-ano ang kakailanganin sa pagluluto ng Chinese Cabbage with Pork or Prawns.

Kalahating Chinese cabbage
2 kutsarang cooking oil
Kalahating sibuyas, hiniwa nang pino
60 gramo ng pork (o kung hindi naman ay prawns na inalisan ng balat)
2 kutsarang tubig o sabaw ng manok
1/4 na kutsarita ng asin
1 kutsarita ng malabnaw na soy sauce

Naritong muli si Aling Lucy para sa paraan ng pagluluto.

Thanks for your time, Aling Lucy.

Oh, makinig kayong mabuti. Naritong muli ang paraan ng pagluluto:

Hugasan ang Chinese cabbage at hiwa-hiwain sa sukat na 4 na sentimetro. Ihiwalay ang tangkay sa dahon. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang bawang at luya hanggang sa lumambot. Ihulog ang pork o prawns at ilaga sa loob ng ilang minuto hanggang sa magbago ang kulay. Ihalo ang tangkay ng cabbage at igisa sa loob ng dalawang minuto tapos isunod ang dahon at ituloy ang paggisa sa loob pa ng 2 minuto. Ibuhos ang chicken stock tapos lagyan ng asin at soy sauce . Takpan ang kawali at ilaga ang cabbage sa loob pa ng 2 hanggang 3 minuto hanggang sa maluto.

Bigyang-daan natin ang liham ni Myrna Calayco ng Kowloon, Hong Kong. Sabi ng liham:

Dear Kuya Ramon,

Nakikinig ako sa inyong programa tuwing 10:30 ng gabi sa 7.190 MgHz o 12.110 MgHz. Tuwang tuwa ako sa inyong Cooking Show kasi litaw na litaw ang kalansing ng mga kobyertos, ang pagkayas ng siyanse sa kawali, ang pagsirit ng mantika at pagkulo ng tubig. Kung ipipikit mo ang iyong mga mata, mai-imagine mo ang isang kusinera na naghahanda ng masarap na hapunan at habang sinusundan mo ang paraan ng pagluluto, Malalanghap mo na rin ang bango ng niluluto. Pero ang mahalaga sa lahat ay natututo ako ng iba't ibang putahe; at higit pang mahalaga ay natututo ako ng putaheng Chinese. Chinese recipe ang talagang paboritung paborito ko sa lahat. Malaking fulfillment para sa akin na makitang ganadong kumain ang mga kaibigan kong Chinese pag nagse-serve ako ng Chinese foods sa kanila. Isang kaibigan din ang nagbigay sa akin ng tip na meron kayong Cooking Show.

Hangad at dalangin ko ang pananatili ng programang ito sa himpapawid.

More power sa inyo!

Myrna Calayco
Kowloon
Hong Kong

Maraming salamat, Myrna, sa iyong liham.

Tunghayan naman natin ang email ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore. Sabi ni Roselle:

Kuya Ramon,

Bagay na bagay ang inyong Cooking Show sa mga nangangamuhan at maybahay. Siyempre sa tulad kong nagluluto para sa among Chinese, malaking bagay ang maraming alam na Chinese recipes. Pag nagugustuhan ng amo ko ang mga luto kong pagkain, lagi akong may umento at nagiging masaya ako hindi lang dahil sa umento kundi pag nakikita kong pumapasok nang masaya ang mga amo kong lalaki at babae. Sila rin ang nagpayo sa akin na ipagpatuloy ang pag-aaral ng Chinese foods sa inyong Cooking Show.

Pag umuuwi naman ako para magbakasyon, Chinese foods din ang niluluto ko para sa mister kong Chinese. Sinabi ko sa kanya minsan na sa CRI Filipino Service ko natutuhan ang mga iyon. Ang sabi niya: "Keep on listening!" Kaya sana magluto pa kayo nang magluto sa himpapawid at dagdagan pa ninyo ang kaalaman ko sa Chinese dishes. Umasa kayo na patuloy akong susubaybay sa inyong mga programa.

Gumagalang,
Roselle Lim
West Coast Way
Singapore

Thank you, Roselle. Hayaan mo at pipilitin naming mag-Cooking Show nang madalas.

Okay, hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.