Tuwing magdaraos ng mga malalaking paligsahang pampalakasan na tulad ng Olympic Games, bukod sa mga magagandang aytem ng palakasakan, pinagtutuunan din ng higit na pansin ng mga tao ang maraming bagay na hindi naman kabilang sa kategorya ng palakasan, tulad ng napakahalagang gawain tungkol sa seguridad at kalusugan ng madla, sapagkat ang mga iyo'y hindi lalamang may kinalaman sa kalusugan ng mga atleta at coach at gayon din sa mga mamamayan sa lagar na pinagdarausan ng paligsahan.
Habang papalapit na ang araw ng pagdaraos ng Beijing 2008 Olympic Games, pinagmamalasakitan na rin ang mga gawain tungkol sa seguridad at kalusugan sa panahon ng Beijing Olympic Games.
Ipinahayag ni Mr. Jin Dapeng, direktor ng Beijing Public Health Bureau, na batay sa mga karanasan sa nakaraan na nilagom ng Beijing at sa pamamagitan ng napakaingat na paghahanda at praktikal na pagsasanay, nailatag na ang matibay na pundasyon para sa mga gawain para matiyak ang kalusugan ng mga mamamayan sa panahon ng Beijing Olympic Games. Sinabi ni Jin Dapeng na,
"Ang pangwakas na layunin namin ay magdaos ng isang Olympic Games na may mataas na pamantayan, alalaon baga'y mag-iwan ng isang malusog na pamana ng Olympic Games. At tawagin itong 'Malusog na Beijing, malusog na Olimpiyada'."
Ipinakilala ni Jin Dapeng ang mga kongretong gawain, anya, ang napakahalagang paksa sa gawain ng pagtiyak sa kalusugan ng madla sa panahon ng Beijing Olympic Games ay ang pagkontrol sa malubhang epidemiya. Sa panahon ng 2008 Olympic Games, kay raming tao ang magsisidagsaan sa Beijing kaya napakahalaga ang gawain sa pagkontrol ng malubhang epidemiya. Sa kadahilanang ito, mahigpit na makikipagkooperasyon ang departamento ng kalusugan ng Beijing sa mga departamento ng agrikultura, industriya at komersyo, edukasyon, konstruksyon, guarantine station, abyasiyong sibil perokaril at pambansang lansangan at komunikasyon.
|