• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-19 21:19:21    
Nobyembre ika-12 hanggang ika-18

CRI
Ipinahayag noong Miyerkules ni He Yafei, asistenteng ministrong panlabas ng Tsina na ang paglahok ni premyer Wen Jiabao ng Tsina sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya ay naglalayong, pangunahin na, ibayo pang pahigpitin ang pakikipagtulungan ng Tsina sa mga bansang ASEAN, Timog Korea at Hapon at pasulungin ang may-harmonya, magkakasama at sustenableng kaunlaran ng mga bansa sa Silangang Asya. Isiniwalat din ni He na hindi inilagay ang isyu ng Myanmar sa agenda ng naturang serye ng pulong. Ngunit, ipinahayag niyang sa panahon ng pulong, posibleng tatalakayin ng mga lider ng iba't ibang bansa ang hinggil sa isyung ito.

Ipinahayag noong Martes ni tagapagsalita Liu Jianchao ng ministring panlabas ng Tsina na sa mula't mula pa'y kinakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng pangkalahatang kalihim ng UN at kanyang espesyao na sugo sa medyasyon sa isyu ng Myanmar. Sinabi rin ni Liu na ang isyu ng Myanmar ay isyung panloob ng bansang ito at ang kapayapaan at katatagan ng Myanmar ay makakabuti sa komong kapakanan ng rehiyong ito.

Sa paanyaya ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, mula ika-20 hanggang ika-25 ng kasalukuyang buwan, dadalaw sa Tsina ang delegasyon ng Lehislatibong Assemblea ng Thailand na pinamumunuan ng Ikalawang Pangalawang Tagapangulo nito na si Potjanee Thanavaranit. Nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Thailand. Noong nagdaang taon, lumampas sa 27 bilyong dolyares ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan na lumaki nang mahigit 27% kumpara sa 2005. Ang Thailand ay naging ika-13 pinakamalaking trade partner ng Tsina.

Ayon sa ulat noong Lunes ng adwana ng Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng rehiyong awtonomong ito at ASEAN ay lumampas sa 2 bilyong dolyares sa kauna-unahang pagkakataon. Ayon sa estadistika ng adwanang ito, mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon, umabot sa 2.19 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Guangxi at ASEAN na lumaki ng 50.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, 930 milyon ang halaga ng pag-aangkat na lumaki ng 37.4% at 1.26 bilyon naman ang halaga ng pagluluwas na lumaki ng 62.2%. Ang Biyetnam ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Guangxi sa mga bansang ASEAN.