• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-19 21:42:07    
Uso Ngayon ang Madyong

CRI

Ang madyong ay isang masyadong nakakagumong laro na pinagpapasiyahan ng suwerte at hindi ng katalinuhan para sa apat na manlalaro. Sa ngayon ang larong ito ay hindi lamang nilalaro sa makikipot na lansangan ng mga lunsod ng Tsina, kundi maging sa halos lahat ng lugar sa Asiya. Mayroon ding mga madyong website na dinadalaw ng mga tinatawag na komunidad ng mga mahilig sa madyong, at mga tindahang nagbibili ng mga set ng madyong na yari mula tsokolate hanggang sa jade, sa ivory.

Kung ang kulturang Tsino ang pag-uusapan, may kabaguhan ang dating ng madyong. Tinalunton ng mga mananalaysay ang panngmulan nito sa isang card game na may magkaparehong alituntunin na nilalaro noong 800 AD.

Pero ang mga laro na gaya ng alam ng lahat, ay nilalaro sa pamamagitan ng mga madyong, na gumitaw lamang noong katapusan ng XIX century Lumaganap ang popularidad nito sa Western World sa pamamagitan ng mga residente ng mga foreign concession sa Shanghai noong 1920, na natuklasan nilang ito'y kinakailangang pampalipas ng oras na gaya ng sa kanilang mga katutubong kapitbahay.

Ang mga madyong ay nagpapapaalaala sa akin ng mga domino na nilalaro ng mga nakatatanda sa aking bayang Belarus, liban sa may mga kakaibang mosta ang mga ito bukod pa sa mga tuldok. Ang laro ay itunuturing ding paglilipat o paglalagay ng mga ladrilyo habang nilalaro ito na kailangan sa pagtatayo ng pader at iba pa.

May ilang teorya hinggil sa pinagmulan ng laro. Ang nakaiinteres sa lahat ay inembento ito ng isang estratehistang militar na gumamit ng mga ladrilyong may mga larawan sa pagtatayo ng mga military formation.

Ang buong set ng madyong ay may 144 madyong. Binubuo ito ng 36 na stick, mga kawayan na may mga numero mula uno hanggang nuwebe, na bawat numero ay may apat na stick; may 36 na tuldok o bilog, na may numero ding mula uno hanggang nuwebe na may apat na tuldok o bilog sa bawat numero; may 36 na wan (sampung libo) na may numerong mula uno hanggang nuwebe, na may apat na wan sa bawat numero; may 12 dekorasyon: na binubuo ng apat na pula, berde at putting dragan bawat isa; nay 16 na letrang hangin: na may apat na pula bawat isa para sa hilaga, timog, kanluran at silangang hangin; at may walong bulaklak na pinamamahagi bago simula ang laro.