• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-20 20:15:28    
Nobyembre ika-12 hanggang ika-18

CRI

Noong Biyernes, magkakahiwalay na nakipagtagpo sa Beijing kay Lee Kuan Yew, dumalaw na minister mentor ng Singapore, sina Hu Jintao, pangulo ng estado, Xi Jinping, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Hu na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Singapore, na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas. Hinahangaan at pinasasalamatan din ni Hu ang paggigiit ng Singapore sa patakarang isang Tsina, pagtutol sa "pagsasarili ng Taiwan" at pagkatig sa mapayapang reunipikasyon ng Tsina. Sinabi naman ni Lee na patuloy na magsisikap ang Singapore para sa komprehensibong pangmatagalang kooperasyon nila ng Tsina na may mutuwal na kapakinabangan para magbigay ng ambag sa komong kasaganaan ng rehiyong ito at magpatingkad ng positibong papel sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Binigyan ni Tang ng mataas na papuri ang namumukod na ambag ni Lee para sa pagpapasulong sa pagtatatag at pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Ipinahayag pa niyang nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Singaporean, para mapalakas ang kanilang pagpapalita't pagtutulungan at walang humpay na mapasulong ang mapagkaibigang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa bagong antas. Ipinahayag naman ni Lee na nagaganap sa Tsina ang napakalaking pagbabago, nangangailangan ang kanyang bansa na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Tsina, at ang pagpapalakas ng kooperasyon sa iba't ibang aspekto ay naaangkop sa pundamental na kapakanan ng kapuwa panig. Nagpalitan din ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung pandaigdig at panrehiyon na kapuwa nila pinahahalagahan.

Dumating noong Araw ng Linggo ng Singapore si Premyer Wen Jiabao ng Tsina para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw doon. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Wen Jiabao sa Singapore. Sa panahon ng kanyang pananatili sa Singapore, dadalo ang Premyer Tsino sa ika-11 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, ika-11 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, ika-3 Summit ng Silangang Asya at ika-8 pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea.

Nang araw ring iyon, nag-usap sina Wen at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore at narating nila ang mga mahalagang komong palagay hinggil sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperayong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Sa pag-uusap, buong pagkakaisang sinang-ayunan nina Wen at Lee na aktibong pasulungin ang talastasan sa malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa, itatag ang mekanismo ng diyalogo sa patakarang pandepensa, pahigpitin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at magkasamang pasulungin ang proseso ng kooperasyon ng Silangang Asya. Inulit ni Lee na patuloy at buong tatag na igigiit ng kaniyang bansa ang patakarang isang Tsina at tututulan ang "pagsasarili ng Taiwan. Hinahangaan ni Wen ang hinggil dito at sinabi niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore, para mapasulong ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa isang bagong antas. Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang nilagdaan nila ang kasunduan ng balangkas hinggil sa pagtatatag ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ng ekolohikal na lunsod sa Tianjin ng Tsina.