Si Qu Yuan ay isang namumukod na estadista na pigil ng isang katawa-tawang monarkiya at pinagmamalupitan ng mga traydor na ministro na nagtaboy sa kanya mula sa arenang pampulitika. Pero dahil sa kanyang pambihirang panulaan, siya'y naging isang maningning na bituwin sa mga sinaunang makatang Tsino.
Sa kanyang talambuhay, binanggit ni Sima Qian, kauna-unahang mananalaysay na Tsina, may 2,000 taon na ang nakaraan si Qu Yuan, sa pagsasabing "Dahil sa pagtataboy kay Qu Yuan mula sa kapitolyo, isinulat niya ang tulang "Kapaghatian ng Paglisan".
Dahil sa pagtataboy kay Qu Yuan sa loob ng isang dekada, ay nagbago siya mula sa isang may mataas na ranggong opisyal ay naging isang karaniwang mamamayan, at nilikha niya pagkaraang paalisin sa katungkulan at nang ipatapon siya, ay naging matrahedya ang kanyang mga tula.
Ang kanyang panulaan ay namumukod na literatura at may dakilang kahalagahang historikal, pilosopikal at aesthetiko, sapagkat masuri niyang tinalakay ang mga tunggaliang pampulitika at isyong panlipunan noong kanyang kapanahunan.
Ang pinakarepresentatibo sa 23 tula ni Qu Yuan ay ang Kapighatian ng Paglisan, Tinatanong ang Langit, ang Siyam na Awitin, Ang Siyam na Elegies at Rekiyem.
Ang Kapighatian ng Paglisan ay siyang pinakamakatuturan sa mga katha ni Qu Yuan at siya ring pinakamahabang sinaunang klasikong panulaan ng Tsina. Ang 2,477 titik nito sa 373 verso ay bumubuo ng isang autobrapiya na may kahalong metaphor at analogies.
|