• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-21 19:36:05    
Paggunita kay Qu Yuan

CRI

Ibinubunyag ng tula ang kadiliman at karupukan ng naghaharing pangkatin, at ang katusuhan, kagahaman, kahalayan at kabangisan nito. Iniharap niya ang imahe ng isang nag-alsang makabansa na naninindigan sa katarungan, naghahanap ng katotohanan, sinusuong ang kahirapan at pag-uusig at nagmamahal sa mamamayan ay siyang ipinahahayag ng kanyang mga sinulat, gayun din ang kanyang pagdadalamhati at kalungkutan at paghandang sa kanyang maisakatuparan ang kanyang mithiing pampulitika.

Ang Nine Elegies, na binubuo ng siyam na bahagi ng isang tala ng buhay at damdamin ni Qu Yuan. Nakatutulong ito upang maliwanagan ang mga karanasan at kaisipan ni Qu Yuan.

       

Ang Asking Heaven ay isang pambihirang tula, maging sa literaturang pangkasaysayan ng Tsina. Naiiba ito dahil sa porma nito ng makasining na pagpapahayag at paghahayag ng dakilang imahinasyon at karunungan ng makata. Dito'y ang 173 iniharap niyang katanungan hinggil sa kalangitan sa astronomiya, heograpiya, kasaysayan, pilosopiya at relehiyon.

Ang mga katanungang ito ay nagpapahayag at humihingi ng katugunan sa kanyang pagdududa hinggil sa mga sinaunang alamat, penomina ng kalikasan, ang pagsisimula at panghihina ng mga dinastiya at kaparusahan. Sa ngayon, sa ika-21siglo, mula wala pa ring makatwirang kasagutan sa maraming katanungang kanyang iniharap.

Kaya ang mayamang pamana ni Qu Yuan ay nabubuhay pa rin sa mga food for thought na iniwan niya para matutuhan at pagnilay-nilayin ngayon.