Bagama't sa mula't sapul pa'y walang patid na nagsusumikap na ang departamentong namamahala sa palakasan ng Tsina na udyukan ang lalong maraming tao na sumali sa mga aktibidad na pampalakasan, pero dahil sa limitadong pag-unlad ng pamantayan ng eskonomiya, malaki pa rin ang agwat ng proporsyon ng sport population ng Tsina kung ihahambing sa mga mauunlad na bansa. Ipinahayag ni Xu Chuan na sa inaasahan niyang sa pampasigla ng Beijing Olympic Games ay madaragdagan ng malaki ang sport population ng Tsina sa darating na ilang taon. Anya:
"Sa ilang mauunlad na bansa, karaniwa'y umaabot sa 50% hanggang 60% ang proporsyon ng sport population. Mayroon ding umaabot sa 70%. Samantalang sa pamamagitan ng bunutang pagsusuri, hindi pa umaabot sa 34% ang proporsyon ng sport population ng Tsina noong taong 2000, Ang target namin ay paabutin iyon sa 40% sa taong 2010."
Nakalulugod na dahil sa pagpapairal ng dalawang araw na pamamahinga sa isang linggo at mas mahaba-habang bakasyon sa Pambansang Araw at Araw ng Paggawa. Sa gayo'y naragdagan ang araw ng pamamahinga ng mga mamamayang Tsino. Kaya parami nang paraming Tsino ang nagkaroon ng laang panahon at lakas para sa pagpapalakas ng katawan. Kaya tiyak na madaragdagan ang sport population ng Tsina.
Bukod dito, pinapayuhin ding kumilos yaong mga taong abalang bala sa mga gawain sa opisina. Ito'y naging isa nang tinig ng lipunan at opinyong publiko. Sinabi pa ni Mr. Xu na dahil nag-iibayo na ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pagpapalakas ng katawan Kaya marami na rin ang lumalahok sa mga aktibidad na pampalakasan nitong ilang taong nakaraan.
Ayon kay Mr. Xu Chuan, alinsunod sa pinlanong aktibidad na "Palakasin ang katawan ng buong sambayanan, kaalakbay ng Olympic Games", ang pagkalahating kawanihan ng palakasan ng estado ng Tsina ay mag-oorganisa ng 65 aytem ng medyo malaki at maimpluwensiyang. Pangmasang paligsahang pampalakasan sa buong taon ng 2007. Halos buwan-buwan ay may aktibidad na pampalakasan.
Pinapayuhan din ng pangkalahatang kawanihan ng palakasan ng estado ang mga administratibong departamentong namamahala sa palakasan sa iba't ibang lugar na aktibong mag-organisa ng mga pangmasang aktibidad na pampalakasan sa lokalidad sa taong 2007.
|