• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-26 15:39:53    
Paniki para sa Kaligayahan, Peach para sa Longevity

CRI

Ang mga gusali, bintana at mga pagkain ay kadalasang may isang palamuting maaaring ikamangha ng mga kanluranin -- ito'y paniki. Ang pagkaunawa ng mga Tsino sa lumilipad na hayop na ito ay may malaking kaibahan sa nakatatakot ng pag-uugnay ng Kanluran sa kadiliman at bampira.

Ang bilang at posisyon ng mga paniki na nakikita sa isang larawan ay may iba't ibang kahulugan, na pawang angkop na angkop. Ang limang paniki sa pagligid ng shou, ang titik para sa longevity ay nagpapahiwatig ng pagkakataon ng mahabang buhay, ang mga paniki at peach ay ng maligayang buhaya, at ang paniki at ang bilog na baryang may butas sa gitna ay natatanaw na ang kaligayahan at mabuting kapalaran dahil ang paniki sa Tsino ay bianfu, at ang fu ay nangangahulugan ng suwerte.

Ang parehong linguistic idiosyncrasy ay ginagamit sa ibang symbolic animal. Dahil ang Fu ay umbrella term para sa suwerte sa Tsina, sa katunayan may limang "suwerte" –fu, lu, shou, xi at cai – na ang apat ay tumutukoy sa higit na espesipikong uri ng mabuting kapalaran.

Ang lu ay paghahangad ng katanyagan at mas mataas na katayuan sa lipunan na natatamo dahil sa kaniyang propesiyon. Noong sinaunang panahon, kung lalong maraming prestehiyo ang titulong iginagawad sa isang opisiyal na korte, ay lalong mataas na katayuan sa lipunan at gantimpala ang nakakamtan nito. Kaya, ang lu ay biyayang ipinagkakaloob sa taong kumukuha ng pagsusulit para sa serbisyo sabil na ibinibigay ng imperyo o paghahangad na maitalaga sa mas mataas na posisyon sa korteng imperial. Kinakatawan ito ng usa, na sa Tsino ay may parehong bigkas.

Ang isa pang koneksiyon ng fu ay ang titik Shou, na nangangahulugang longevity. Ang katuturan nito ay nagmula sa paniniwalang Taosta na ang tao ay may iisang buhay, kung ikukumpara sa muling pagkabuhay ng kaluluwa ng diktrinang Kristiyano, o Buddhist reincarnation. Kaya ang longevity, ay hinahangad ng lahat ng taong nagnanaisa na pahabain ang buhay hangga't maaari. Gaya ng sinaunang paniniwalang Tsino sa fairy immortal, ang mga imahe niyon ay kinakatawan ng konsepto ng shou. Ang peach ay kasingkahulugan din ng mahabang buhay, kaya ang diyos ng longevity ay madalas na inilalarawang may tangang mga peach ng kawalang kamatayan.