Ang "Shaolin in the Wind" ay isang koleksiyon ng martial arts, katutubong tugtugin at sayaw na itinatanghal ng mga monghe mula sa Shaolin Temple, tahanan ng martial arts ng Tsina, at kakanggate ng Zhengzhou Song and Dance Troupe.
Ang palabas na ito ay siyang pinakamakabagong treatrical export ng Tsina sa North America. Ang mga paghahanda, sa porma ng muling paggawa ng script at pagtatanghal sa tanghalan ay isinasagawa ngayon para sa pinaplanong 800-erformance tour sa E.U. sa huling dako ng taong ito.
Ang performing arts ng Tsina ay itinatanghal sa mga entablado sa labas ng bansa, pero dadalawa lang ang mainit na tinanggap sa North America: Ang "Along the Silk Road", isang dramang hango sa Tang Murals sa Moguo Grotoes, at ang bersiyong pangtanghalan ng Raise the Red Lantern ni Zhang Yimou.
Gaya ng Impressions of Yunnan, isang drama na hinango sa kultura ng lahing minorya sa Lalawigang Yunan, ay hindi masayadong nagustuhan sa US, kahima't lubos na pinupuri sa loob ng bansa, maraming umaasang magtatagumpay ang Shaolin in the Wind.
Ang Shaolin in the Wind ay isang maalab na kuwento ng pag-ibig. Ang mga pangunahing tauhan dito ay ang magsing-irog na sina Tiyanyuan at Sushui, na nagkahiwalay sa panahon ng mapanalakay na digmaan. Nasugatan nang malubha si Tianyuan at inalagaan at napagaling siya ng mga monghe ng Shaolin Temple. Dahil sa matinding pangungulila sa kanyang minamahal, na nasa kamay ng kaaway, napilitan siyang puspusang mag-aral ng martial arts.
Pagkaraan ng ilang taon, nagkasamang muli ang magkasintahan, na hindi nagtagal, sapagkat inialay ni Sushui ang kaniyang buhay upang mailigtan lamang si Tianyuan mula sa kamay ng mga kaaway. Tigib ng kapighatiang pinamunuan ni Tianyuan ang mga maonghe ng Shaolin Temple s pagtataboy sa kaaway sa pamamagitan ng lakas. Mula noon, inialay niya ang kaniyang sarili sa Budismo sa martial arts.
|