Pinagsanib ng drama ang Kungfu at terpsicheran arts ng Tsina at ang mga elemento ng orehinal na may 3600 taong kultura ng Central Plains ng Tsina na ang sentro ay ang Lalawigang Hunan. Hinago ang choreography nito sa tradisyonal na folk dance ng Henan at ang mga tugtugin nito ay hango sa folk, ditties at opera aire na tinugtog sa suona, isang uri ng trumpeta, sa stringed sanxian at iba pang instrumentong katutubo sa rehiyon.
Personal na nagbigay galang ang stage designer na si Huang Kaifu sa Shaolin Temple para sa kaniyang stage scenarios. Binubuo ito ng reproduksiyon ng aktuwal na laki ng batong leon sa pasukan ng templo, mga pagodang palatandaan ng panghuling himlayan ng mga kagalang-galang na monghe at ng tambel at kampanang pantawag sa mga monghe para sa kanilang pang-umaga at panggabing pagdarasal.
Ang stage backdrop ay isang napakalaking imahe ng mukha ng Buddha na mayumi ang ngiti. Ipinakikita ng mga Monghe ng Shaolin ang kanilang kahusayan sa martial arts sa ibabaw ng isang masining na inayos na malalaking bato sa likuran ng entablado. Ang ethos ng labanan ay buong husay na ipinakikita sa pamamagitan ng mahusay na teknik ng pailaw sa iba't ibang nagniningningang pulang liwanag.
Ang papalit-palit na pula, dilaw at abuhing sinag ay nagpapahayag ng emosyon ng mga pangunahing tauhan habang umuunlad ang balangkas. Sa climatic ending mabibiyak ang malalaking bato at lalabas ng isang putting liwanag na nagiging lalong nakasisilaw na liwanag, na nagpapahiwatig ng pangingibabaw ng araw sa kadiliman.
Nagkaroon ng 70 pagtatanghal ng Shaolin in the Wind sa buong Tsina na kinabibilangan ng 7 sa Taiwan, at nagkamit ng coveted Lotus Prize, pinakamataas na parangal ng Tsina para sa sayaw. Sinabi ni Zhang Zongcan, nanunuparang editor-in-chief ng Dance Mangazine na ito'y kauna-unahang drama na pinagsama ang sayaw at martial arts. Ang dula ay pinuri ni Jia Zuoguang, pagapangulong pandangal ng China Dancer Association dahil sa madetalyeng pagbalangkas ng produksiyon at pagtatanghal nito.
|