• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-29 21:16:07    
Tradisyon ng Tsina sa mata ng isang dayuhang hotel manager

CRI
Bilang general manager ng otel, maraming hinahawakang isyu bawat araw si Luc Bollen. Sinimulan niya ang kanyang araw mula sa pamamatrulya sa hotel bawat umaga na kung kailan maraming panauhin ang nagchecheck-in o out, kaya, marami siyang pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga panauhin at alamin ang pangangailangan nila.

Sa kanyang libreng oras, sinasamantala rin ni Luc Bollen ang lahat ng pagkakataon para matutuhan ang mga bagay na may kinalaman sa Tsina. Sinabi niyang bago siya pumarito sa Tsina, sa kanyang tingin, ang Tsina ay napakatradisyonal.

Ngunit, pagkaraang pumarito sa Tsina, natuklasan ni Luc Bollen na napakabilis ng pag-unlad ng Tsina. Kasabay ng modernisasyon at internasyonalisasyon, naaakit siya sa tradisyonal na kulturang Tsino sa partikular.

"Kung pupunta kayo sa mga malaking lunsod na tulad ng Shanghai, makikita ninyo ang isang modernong Tsina na mabilis na umuunlad. Kasabay nito, sa iba pang mga lunsod naman, makikita ninyo ang kariktan ng tradisyonal na kultura ng Tsina. Sa Heifei, halimbawa, maaaring makita ninyo ang mga bagay na may mataas na kahalagahang kultural na tulad ng lawa, bundok at monasteryo. Sa Tsina, makikita ninyo ang pinakamabuting integrasyon ng tradisyonal na kultura at modernong lipunan. "

Sinabi ni Luc na ang kasaysayan at kultura ay pundasyon ng pag-unlad ng isang bansa. Mas mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan, mas mahalaga ang pagpapatuloy ng tradisyonal na kultura. Sinabi niyang:

"Mahilig ako sa tradisyonal na kultura ng Tsina. Para sa isang bansa, kung walang malalim na kultura, walang pag-unlad. Kung mawawala ang kahalagahang kultural, ito ay magiging katumbas ng pagtatakwil sa kasaysayan, at kalungkut-lungkot at kahiya-hiya ito."

Nasanay na si Luc Bollen sa pamumuhay sa Hefei. Sinabi niyang ito ay isang lunsod na kung saan magandang nagtatambal ang moderno at tradisyonal. Nananalig siyang gaganda pa ang hinaharap ng lunsod na ito.