• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-29 21:21:40    
Mga matulaing pook sa Guangxi, nakakaakit sa mga turistang ASEAN

CRI
Ang Beihai ay isa pa ring tourist attraction ng Guangxi. Bilang isang lunsod sa baybayin-dagat, meron itong tanging linyang panturista sa dagat sa pagitan ng Tsina't Biyetnam. Noong taong 2006, lumampas sa 100,000 ang bilang ng mga turistang dumaan sa linyang ito at sa kasalukuyang taon naman, ang bilang na ito ay inaasahang aabot sa 200,000. Kaugnay nito, sinabi ni Lian Nongyou, Alkalde ng Beihai na:

"Sa kasalukuyan, ang kabilang dulo ng linyang ito ay ang Ha Long Bay ng Biyetnam at pinaplano naming paabutin ito hanggang sa Danang at kung posible pa nga ay hanggang sa Ho Chi Minh City at sa susunod na yugto naman, dudugtungan pa namin ang linyang ito para umabot sa patungo sa Singapore, Malaysiya, Thailand, Pilipinas at Brunei."

Nitong ilang taong nakalipas, umiinit ang Guangxi bilang isang destinasyon ng mga turista ng Asean samantalang parami nang parami namang turistang Tsino ay naglalakbay sa mga bansang Asean sa pamamagitan ng Guangxi.

Kaugnay ng pagpapaunlad ng Guangxi ng transportasyon nito para mapasulong ang pagtutulungang panturista ng Tsina't mga bansang Asean, ipinahayag ni Ephraim Antonio Jr mula sa DZMM ng ABS-CBN, ang kanyang pag-asang makapaglalakbay siya sa Guangxi sa pamamagitan ng direktang linya ng abyasyon sa pagitan ng Guangxi at Pilipinas at kasabay nito, pinananabikan din niyang makita ang mas marami pang turistang Tsino sa Pilipinas. Sinabi niya na:

"Kung mabubuksan ang direktang linya ng abyasyon sa pagitan ng Guangxi at Pilipinas, mas maraming turista mula sa magkabilang panig ay makakabisita ng Tsina't Pilipinas. Makakatulong din ito sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina't Pilipinas."

Sa katapusan ng kasalukuyang buwan, naka-iskedyul na idaos ang ika-apat na China-Asean Expo o CAEXPO. Tulad ng mga nakaraang ekspo, sa gaganaping CAEXPO, itatampok din ang yamang panturista ng Tsina't 10 bansang Asean. Ipinakikita nitong ang turismo ay nagsisilbi ngayong isa sa mga kooperasyon ng Tsina't Asean at gumaganap ito ng katangi-tanging papel pagdating sa pagpapasulong ng kanilang pagpapalitan at pag-uunawaan.