Ang Pangkalahatang Kawanihan ng Palakasan ng Estado ng Tsina ay magdaraos sa taong ito sa buong bansa ng 65 aytem na malalaking aktibidad na pangmadlang palakasan na ang paksa ay "Palakasin ang pangangatawan ng buong sambayanan, kaalakbay ng Olympic Games", para pasiglahin ang Beijing 2008 Olympic Games, habang pinauunlad ang pagpapalakas ng pangangatawan ng buong sambayanan.
Ipinalalagay ni Mr. Xu Chuan, pangalawang tagapamahala ng departamento ng palakasang pangmadla ng pangkalahatang kawanihan ng palakasan ng estado ng Tsina na ang 2007 ang siyang mapagpasiyang taon sa paghahanda para sa Beijing Olympic Games. Sa panahong ito, ang pagdaraos ng mga aktibidad ng palakasang pangmadla sa buong bansa ay makabubuti para mabigyan ng higit na pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Tsina ang palakasan at ang Olympic Games Sa kabilang dako ay nakabututi rin iyon para paalabin ang kasiglahan ng sambayanang Tsino sa Olympic Games at palakasin ang katawan ng buong sambayanan. Sa gayon ang proseso sa paghahanda at pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay naging proseso ng pagpapalakas ng pangangatawan ng buong sambayanang Tsino.
Tinukoy ni Mr. Xu Chuan na ang tungkulin ng kanyang kinroroonang kawanihan ay hindi lamang sapuling mabuti ang mga paligsahan sa palakasan at ang pagpapalakas ng pangangatawan ng buong sambayanan. Ang pundamental na tungkulin ng estado sa palakasan ay palakasin ang pangangatawan ng sambayanan.
"Anya isang napakahalagang tungkulin ng Pangkalahatang kawanihan ng palakasan ng estado ang gawain sa pagsasanay ng mga manlalarong sasali sa Beijing 2008 Olympic Games Pero, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tungkuling palakasin ang pangangatawan ng mga mamamayan."
Hinggil sa pagpapalakas ng katawan ng buong sambayanan, dapat pagtuunan ng pansin ang "sport population" ang tinutukoy dito'y yaong mga taong lumalahok sa mga aktibidd na pampalakasan ng kalahating oras tatlong beses sa isang linggo na ang tindi ng pagsasanay ay katamtaman lamang. May mahigpit na kaugnayan ang proporsyon ng sport population sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunn.
|